Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
LA Santos
LA Santos
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Lnard Antonio Brioso-Santos
Lnard Antonio Brioso-Santos
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
LA Santos
LA Santos
Producer

Lyrics

Matang namumungay
Sa akin ay nangungusap
Kabog ng 'yong puso'y lumalakas
Sa bawat halik, nais kong ilabas
Ang hiling mong ligayang hiram
Kaya't damdamin ko'y nagliliyab, dahil
Sabik na akong
Sisirin ang tila dagat mong katawan
'Di ko na mapigilan
Gusto na kitang maiduyan
Sa gitna ng langit
'Wag kang kabahan, puso ay hibang
Dahan-dahan lang sa paglilibang
Kay init ng 'yong mga yakap
'Wag kang mailang, hahanapin lang
Ang mga ligaw na liwanag
Kiliting tawag ay bulalakaw
Ang hiling mong ligayang hiram
Kaya't damdamin ko'y nagliliyab, dahil
Sabik na akong
Sisirin ang tila dagat mong katawan
'Di ko na mapigilan
Gusto na kitang maiduyan
Sa gitna ng langit at mga bituin
Sa kalawakan ka kilalanin
Sabik na akong
Sisirin ang tila dagat mong katawan
'Di ko na mapigilan
Gusto na kitang maiduyan
Sa gitna ng langit
Written by: Lnard Antonio Brioso-Santos
instagramSharePathic_arrow_out