Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Rusty Mandarhyme
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Rusty Mandarhyme
Songwriter
Lyrics
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Daming tanong naglalaro sa aking isip
Kung ayaw ng iba bakit ko ipipilit
Sa ‘king mga gawa ang daming nakasilip
Sa gusto ng puso’t isip ang daming nagagalit
Sino ba ang dapat pagkatiwalaan
‘Di ko alam kung sino pang maaasahan
Kahit alam mo na panalo ka sa laban
May taong gagawa upang ikaw ay panghinaan
Kinabukasan mo ay parang bola
Kung alam mong magaling ay pwede mong ipasa
Pero kung wala pa rin nasa ‘yo na ang tsansa
Basta ‘wag na ‘wag kang aasa sa tsamba
Kailangan mong harapin ang reyalidad
Na daig ng madiskarte ang maabilidad
Samahan mo ‘yung taong sa tingin mo ay may dulot
Ang swerte ‘di napupulot kailangan mo ng hugot
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Bawat balya ay kailangan mong tibayan ang loob
Walang palya ‘di ka pwedeng umindak ika’y pagod
‘Pag umamba kapalaran depensa kasunod
Dapat kargado ka ng tapang sa tiwala ka busog
Sa laro kailangan mong maging matakaw
Pero ‘pag sa bola ‘wag ugaliing mang-bwakaw
Oo tandaan bawat segundo ay ginto
Pero kung bano sa laban sigurado na bangko kaya
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Salubungin kung ano man ang sagabal
(Ipakita tinatago mo na asal)
Alerto ang isip ‘wag kang maging mabagal
(Gigil ‘pag naamoy na ang bilog na bakal)
Salubungin kung ano man ang sagabal
(Ipakita tinatago mo na asal)
Alerto ang isip ‘wag kang maging mabagal
(Gigil ‘pag naamoy na ang bilog na bakal)
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Sa laro ay madaming magaling
At may nagmamagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Hindi lahat ng kasama mo sa ring
Ay puro magagaling
Minsan kailangan mo ng hugot
Written by: Rusty Mandarhyme