Credits
PERFORMING ARTISTS
BC.Blake
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Patrick Blake Sarmiento
Songwriter
JM Lozendo
Songwriter
Lawrence Jimenez
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
BTDTBeats
Producer
Lyrics
Nakailang piso na nga ba si ama
Duon sa alkansya na pilit tinatago ny
Bawat barya ay iniipon
Iniiwasan pang lumamon
Para may tira sa baon
Upang bukas maiahon
Panahon di sumangayon
Umulan man ng mag hapon
Maubos man mga dahon
At least meron akong ipon
Pero, bakit parang di ako kuntento
Paubos na kalendaryo
Mga grado puro singko
Tumatayo na balahibo
Daming kalat sa lababo
Yung manok di pa na prito
Humihingi na ng saklolo
Kumapa na ng rosaryo
Bawat alog merong ngiti
Na di mapaliwanag
Nag iimbak na ng ganti
Nakahiga sa papag
Prinsipyo man nila bungi
Pany padin ang tawag
Dahil merong salapi
Pero walang liwanag
Aanhin ko pa
Ang aking sarili
Kung sila na nga
Ang pumilit at pumili
Walang magagawa
Mag aral ng mabuti
Ako ang alkansya
Ng walang salapi
Tingin siguro ni bathala sakin nakaisa sya
Nung isilang na hubo, sunuotan ng debulsa
Para agad daw makaipon paisa isang barya
Pambayad sa singil hininga ko'ng nakasanla
Dahilang bibihira maiha-in ang hina-ing ko
Mainam kimkimin ng mahinang
Dibdib at pikit-matang tindig para lang maitawid
Ang linggo paparating, pambihira
Ito pala ibig sabihin na ang buhay daw ay utang
May singil, walang palugit tapos hulugan ang bayad
Ang trono na pamanang di ka pwedeng pumalpak
Makinarya ng pangarap nyong hindi na natupad
Tila sugo sa pangakong iaahon pag nagsikap
Tagaputol ng sumpa, bawal mapagod, manghina
Kung mahirap magkasala, pagbayaran, magpasya
Pano ba binabayaran, salang hindi ko ginawa
Aanhin ko pa
Ang aking sarili
Kung sila na nga
Ang pumilit at pumili
Walang magagawa
Mag aral ng mabuti
Ako ang alkansya
Ng walang salapi
Tila tautauhang trato ay makinarya
Kabisadong taguan at bilang kada barya
Dati'y hawak laruan ngayon pangarap na nila
Ngunit dapat na paburan o mabura sa kanila
Sa kabilang banda naman wala ng matatago
Ubos na nga salapi nasa baul pangako
Isang araw maiayon, maiahon sa baba o
Maihaing masarap pagkumagat ang mga plano
Ngunit paano? Isang buo kong inuwi
Naging retaso, ito na nga ba yung sukli
Yun nga ang kaso, baka wala nang matabi
Kung magreklamo nako ayoko mabingi,
Kaya patuloy na habulin payabungin pa ang oras
Kung ayaw manatili na aliping nakaposas
Sa hangarin ng iba, salamin ng alkansya
Sakaling hangin mag iba, salarin ang aming kanta
Kaya aanhin paba
Aanhin ko pa
Ang aking sarili
Kung sila na nga
Ang pumilit at pumili
Walang magagawa
Mag aral ng mabuti
Ako ang alkansya
Ng walang salapi
Written by: Jamar Matthew Lozendo, Lawrence Jimenez, Patrick Blake Sarmiento

