Music Video
Music Video
Credits
PERFORMING ARTISTS
Charlie Yang
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Charlie Yang
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Charlie Yang
Producer
Dominic Malana
Producer
Lyrics
Intro :
C, $, m*th*f*ckin Y,
Yeah,
Navotas City,
Grrt, Grrrt, La la la la la la la,
Yah yah yah yah.
Chorus :
Alam ko na kaya ko rin,
Wag mo'kong manipulahin,
Magkaiba tayo pero gaya mo'ko
na gustong manalo sa game. ( 2x )
1st Verse :
Madalas ihambing sa Batang Panginoon,
tugon ko'y malayo na 'yan,
Kung hinangaan niyo ang taga Etivac noon, ngayon, Navoteño naman,
'Di na para pa sabihing henyo at malaman,
Kung bulag ang tenga mo edi idilat ang,
iyong ilong, usok lang ang daraan,
Alam mo na 'yan.
Nilalamas ko ngayon ang hinaharap
ng gamit aking kapalaran, Ugh,
Libog sa musika, kaya kada bayo, wasak ang madaanan,
Nakatayo lagi ang panulat, kwaderno ko ata paanakan,
Sa aking sanggol ka mapapa-awit ng,
Panginoon may bagong Young Go...
Gagalingan mo lang parati,
Nakayapak 'gang magka-Ferrari,
At nais ko lang naman na manalo,
Sa paraan na walang kahati.
Isang kalapati na mababa lipad
nangarap na maging lawin,
Hanggang nalamog na nga 'tong hangin,
sa'king suntok pinapasa rin.
Pinapasabi ng aking isipan na bigkasin ko daw itong mga 'to,
Maging tunay ka lang sa'yong sarili
matatanggap ka rin naman ng mundo,
'Di man ngayon pero baka balang-araw kakantahin niyo rin ang kanta ko,
Bunga ng kasipagan, limot katamaran, kapalaran ko ay ako rin bumuo.
Tumugon aking talento, sa mga sabi-sabing nakisabit lang daw,
'Di ko na siguro kasalanan kung bakit sa inyong lugar ay ngalan ko na rin ang sinisigaw,
Tagapag-pasingaw ako ng mga malaki ulo balibag tae magsibitaw,
Baguhan din ako, aminado, ang kaibahan ay di ako hilaw. Di ako ikaw. Grrt pow!
Chorus :
Alam ko na kaya ko rin,
Wag mo'kong manipulahin,
Magkaiba tayo pero gaya mo'ko
na gustong manalo sa game. ( 2x )
2nd Verse :
Palit tayo ng mata para makita mo na
'di ko to minadali saka iniyakan ko 'to
Inaangasan mo'ko teka may ambag ka ba sa buhay ko
di nga kita makita nung panahong taggutom ako.
Pasigaw niyo na akong kausapin,
Dati nga hindi niyo ko masali,
Kung saan kayo-kayo lang naghihilaan,
Ako din pala sarili kong tali.
Di mawaring dakdak, tumalong sakuragi,
FT mga manok niyo kaarage,
Bounceback, ayoko ng mamalagi,
Sa baba, kung saan laging sinasagi
ang tulad ko,
Tu tu tu, tulad mo,
na pagkabigo din ang natamo,
matapos kang tumango.
Sa lahat ng inaalok di tumanggi,
Kahit na alam kong di ka kampi,
Sa panig ko di ka makadampi,
Tumpukan na bubuyog aking pinutakte.
Sino saksi? nung nakasakay ako sa kariton at hindi pa tangke,
Sinadya ko na samahan ang isip mong binabata ng iba, para lang magka-lampin.
Kakalam din, ang sikmura mo di ka laging Okay lang,
Okay ng, humindi sa alok kesa naman ikaw ay mautakan,
Pahusayan, talaga sa larong pinasukan kaya dapat patunayan,
Na matibay ka pumasok hanggang sa manalo ay sapalaran kang nakipagsabayan.
at..
Sana nasa
palanggana
na lang mga
talangka at
para wala
na ngang
mawalan ng
pag-asa mangarap 2x
Chant :
yea yea la la la lalala
grrrt grrrt, pow pow
yea yea la la la lalala
grrrt grrrt, pow pow
3rd Verse / Outhro :
Dumalas ang pagiging, balisa,
Gumigising, ako ng madaling araw,
gang umagahin, ako habang sumisining.
Nadarang mga titik, sakin ay,
Sumisilip, paano raw ang aking talata sumasagi sakuna ng kumikitil.
Alam kong ako ang hinaharap,
kaya taga bungad ng Navotas,
Lulong na ako sa mga salita na kahalimuyak din ng Rosas,
Sa harap ko umaastang naposas, sulatan naman ay laman ng sopas,
Kaya Nagpaka Lesnar ako sa laro na, dumarami Pocahontas.
Kung buhatan ng bangko ang laro mo,
Siguro ay matagal ka nang ngalay,
Yung aking bangko kasi ginawa kong entablado, Kaya eto ako sanay.
Ngarat, sabay, patay ng mga fake,
Hanggang sa wala ng alive.
Tila multo ko sa paningin ng mga nangmata, sakin sa kada arrive. B*tch!
Sa mata ko sila'y mga pirata,
kumpulan na merong kanya kanyang gamit,
Tapos makakaharap, Luffy na, what?
Kumpleto yung Haki.
Kada attack eh di matangging, di para sayo pero masakit,
Huwag saluhin, ang pang aaning, ng taong sa net, sanay pumanik,
Sige damhin, ang boses ko man, parang lamar, react puro Damn,
Isip ko matic nagiging lahar, utak mo'y aking tutuyutin,
Kukurutin ka ng mensahe ko hanggang sakin ka mapatapik,
Solo ako pero meroong gang at magtatagumpay kaming lahat, Amen.
Last chorus :
Alam ko na kaya ko rin,
Wag mo'kong manipulahin,
Magkaiba tayo pero gaya mo'ko
na gustong manalo sa game. ( 2x )
Written by: Csyrus Andrei Delamerced