Credits

PERFORMING ARTISTS
Zephanie
Zephanie
Vocals
Apoc the Death Architect
Apoc the Death Architect
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
José Ayala
José Ayala
Songwriter
Antonino Rodriguez
Antonino Rodriguez
Arranger

Lyrics

Ang katotohanan ay may dalawang mukha
Ang tama sa iyo ay mali sa tingin ng iba
May puti may itim, liwanag at dilim
May pumapaibabaw at may sumasailalim
Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit
Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init
Kapag nawala ang isa, ang isa’y di mababatid
Ang malakas at ang mahina’y magkapatid
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
‘yan ang disenyo na sa atin ay pasakit
Hawiin ang talahib para makita ang balakid
manindigan at magalit. Bumoses at manalig
Ang pagiging ignorante ay tila mapanganib
kapag langit ang pamumuhay, di ka makante
gusto mo ba maging biktima bago ka magkapake
kung laganap ang kasaman, bakit ka tatabi
Bumangon ka sa pwesto mo at maging kakampi
ng hustisya at karangalang di mabaluktot
ng pag-ibig at giting na hindi marupok
kapit bisig, sumulong tayo hanggang sa tuktok
Mga tingting di mababali pag ito’y nakabuklod
kaya taas kamao, wag matakot magsalita
maging Andres ka sa itak, maging Rizal ka sa tinta
maging Luna sa pagpinta. Kapatid ko mamili ka
sa pagsabog ng pagbabago, tayo mismo ang mitsa
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
May mga haring walang kapangyarihan
(Mga koronang di makapitan)
Mayroon ding alipin na mas malaya pa sa karamihan
(Diwang lumalangoy sa amihan)
May mga sundalo na sarili ang kalaban
(Puso at utak nagbabanggaan)
At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan
(Tuloy-tuloy lang sa paglaban)
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Magkabilaan ang mundo
Written by: José Ayala
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...