ミュージックビデオ
ミュージックビデオ
クレジット
PERFORMING ARTISTS
Katrina Velarde
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Vehnee A. Saturno
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Vehnee A. Saturno
Producer
歌詞
[Verse 1]
Minsang natikman ang init ng iyong halik
Akala ko narating ko na ang ulap sa langit
Sa aking pagpikit ang tanging naisip
Ikaw na sa hanggang wakas ang aking pag-ibig
[PreChorus]
Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na
[Chorus]
Bakit ganyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit?
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
[Verse 2]
Apoy na dati-rati, kay init ng liyab
Agad akong nadadarang kapag ikaw ay yumakap
Ngayo'y nag-iisa't, laging nilalamig
Nawala na ang lahat-lahat, ito'y naging panaginip
[PreChorus]
Ngunit biglang nagbago ka, hindi na madama
Kapag kapiling na kita, nanlalamig ka na
[Chorus]
Bakit ganyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit?
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
[Chorus]
Oh, bakit ganyan ang 'yong pag-ibig
Na ang akala ko ay langit?
Nilaro-laro mo lamang ang pusong naiidlip
Sa yakap mo ay nagayuma
Pag-iwas ay 'di ko na kaya
Hanggang ngayo'y hinahanap-hanap pa rin
Ang lason mong halik
[Outro]
Lason mong halik
Written by: Vehnee A. Saturno