ミュージックビデオ
ミュージックビデオ
クレジット
PERFORMING ARTISTS
Original Cast Recording
Lead Vocals
Paulo Avelino
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Ryan Cayabyab
Songwriter
Rolando Tinio
Songwriter
歌詞
TONY
Ikinalulungkot ko, Miss Paula
Alam mo siguro ang ginagawa mo
Pero beynte mil pesos. Diyos ko!
Kung ako'ng makaro'n ng gano'ng
halaga, magtatayo ako ng sarili kong banda
Magliliwliw ako sa Hong Kong, sa Shanghai, sa Java, sa India
Pupunta 'ko sa Europa para magaral magpiyano
Pupunta ako sa Paris, sa Vienna, sa New York
PAULA
Paris... Vienna... New York
TONY
Sa Espanya, Italya, America del Sur
Hindi lang ako maggagaranatsa, mag- aaral ako
Sisinghot ng kultura
PAULA
Noon ko pa pinapangarap ang maglakbay sa buong mundo
TONY
Pangarap mo'y magiging tunay
Magagawang totoo'ng lahat
PAULA
Ayoko nang umasa-asa
Masyado nang matanda ako
TONY
Magsama tayo sa Europa
Lahat bg ibig, matutupad
PAULA
Maa'ri pa kaya?
Hindi ba't huli na?
TONY
Miss Paula, may gusto ka ba sa 'kin kahit na kaunti?
PAULA
Huwag kang magsalita ng ganiyan!
Ano'ng sasabihin ng mga tao?
TONY
Ano'ng pakialam mo sa sasabihin nila?
PAULA
Kinamumuhian ko sila!
TONY
Ipakita mo nga ang pagkamuhi sa kanila!
Sampilingin mo ang kanilang mga mukha!
Puwede kang mag-impake ngayon mismo at pumunta kahit saan mo gusto
PAULA
Patay na'ng mga pangarap ko
TONY
Puwedeng may bumuhay pa sa pangarap mo noon
PAULA
Puwede pa kaya?
TONY
Kung sakaling may dumating at masabi niya ang
salitang makabubuhay uli sa pangarap mong naunsiyami?
PAULA
Napagod na akong maghintay
TONY
Miss Paula... tingnan mo ako...
TONY
Huwag, Miss Paula! Kalimutan mo na siya
Talikuran mo na siya
Iwanan mo na siya!
PAULA
Huwag dito, huwag dito!
Huwag sa bahay na ito!
Written by: Raymundo Cipriano P. Cayabyab, Rolando Tinio, Ryan Cayabyab