album cover
Classmate
18
Rap
Classmate은(는) 앨범에 수록된 곡으로 2023년 8월 6일일에 Hambog Ng Sagpro Krew에서 발매되었습니다.Old School Rap
album cover
발매일2023년 8월 6일
라벨Hambog Ng Sagpro Krew
멜로디에 강한 음악
어쿠스틱 악기 중심
발랑스
춤추기 좋은 음악
에너지
BPM92

뮤직 비디오

뮤직 비디오

가사

Yeah, kanta ko 'to, para sa 'yo, classmate
(Teka, nag-aaral ka ba?) Oo
(Ulol, ano'ng course mo?) Astronaut
(Ba't astronaut?) Pupunta ako sa araw
(Sa araw? Mainit do'n, ah) Gago, eh 'di, gabi ako pupunta ro'n
Teka, teka, may gagawin pa 'kong kanta, eh
Okay, game, Hambog ng Sagpro Krew, hehe
Unang araw pa lang, minahal na kita, ah
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh, ano naman? Basta mahal kita
Unang araw sa school, ako'y nasa eskuwelahan
Yuniporme ay cool, baka may maeksenahan
Siyempre, mayro'ng bagong chicks ngayon nag-enroll
Kaso 'yung iba, mukhang pang-Shake, Rattle and Roll, oh
Pero iisa ang agaw-pansin
Isang babaeng kumakain mag-isa sa canteen
Tapos lalo pa 'kong natuwa at lalong sumaya
No'ng nalaman ko ang crush ko, classmate ko pala, haha
Ngayon nga madiskartehan
Wala akong paki kung magtaray o mag-inarte 'yan
Basta gusto ko lang sabihin salitang nakakasado
"Sa exam ng puso ko, alam mo ba ika'y pasado?"
Pero teka lang, pangalan mo, 'di ko pa alam
"Hoy, mister, 'wag kang maingay", tumahimik ka, Ma'am
Anyway, 'di ko pa rin alam pangalan mong banal
Pero puwede ba, tawag ko na lang sa 'yo "Mahal"?
Unang araw pa lang, minahal na kita, ah
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh, ano naman? Basta mahal kita
Second subject, ando'n kami sa may lab
Hindi ako nakikinig, titig ako kay my love
Oo, love na nga kita, L-O-V-E
'Di ko dama ang pagod ko kahit na mag-P.E.
'Pag topic ay P.C., ito'y hindi easy
Kaya ika'y busy, pero ako'y sisingit
Pa rin sa oras mo kahit ikaw ay mainis
Kasi ikaw bumubusog sa puso ko kapag recess
Kung eskuwelahan ang puso ko, ikaw ang principal
Dahil sinusunod lamang nito kaniyang minamahal
Daig ko pa ang first honor kapag nakita kita
Ikaw solution sa problem sa matematika
Ng buhay ko, kasi ikaw plus ako equals for better
Multiplied by tiwala at love equals forever
At wala nang puwedeng mag-divide sa ating dalawa
Kasi sa aklat ng sibika, tayo'y nakatalaga
Unang araw pa lang, minahal na kita, ah
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh, ano naman? Basta mahal kita
Tumatanggi ako sa tropa 'pag sinabing "Cutting tayo"
Kasi misyon ko sa 'king pagpasok, maging tayo
Yayayain lang nila 'ko sa bilyarang kalapitan
Bakit pa 'ko do'n sasama kung sa 'yong tabi, kalangitan?
'Di ba tama aking katuwiran?
Sa eskuwelahan, do'n lang kita natatabihan
Kapag ikaw ang seatmate ko, ayoko nang lumisan
Sana dito na lang tayo at walang uwian
Damn, baliw na ba 'ko? Hay, naku, lagot
Sa 'king assignment, quiz, at exam, pangalan mo sagot
Lagi kong hinahanap ang 'yong essence at presence
Kasi kinukumpleto mo ang nonsense na sentence
Kaya 'di na a-absent, you're the angel God sent
Ayos ba ang accent? Siyempre laging present
'Di nawawala sa school, laging lumalapag
Kasi ikaw ang dahilan kung ba't ako nagsisipag
Unang araw pa lang, minahal na kita, ah
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh, ano naman? Basta mahal kita
Ika'y iba sa lahat, masasabing ibang klase
At salamat sapagkat ika'y aking naging kaklase
At ikaw ngayon ang subject dito sa aking rap
Kung hindi ka nakilala, malamang ako'y na-drop
Kasi tamad akong binatang sawa sa 'skuwelahan
Ngunit ikaw ay estudyante do'n kaya may kuwenta 'yan
Gumawa ako ng project, tulang ipapabasa
'Di ito para kay Ma'am, sa 'yo ko 'to 'papasa
Sana pumasa ako sa 'yo
Sana mag-review ka rin na umaasa 'ko sa 'yo
At ang mahalin kita, hindi ko 'yon pinag-aralan
Dahil nadama ko 'yon nang kusa at agad-agaran
Classmate kong mahal, sana maisip mo na
Matamis mong "oo" ang 'tuturing kong diploma
At bago ka mawalay sa 'kin sa bakasyon
School year na kasama ka sa puso ko, babakas 'yon
Unang araw pa lang, minahal na kita, ah
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh, ano naman? Basta mahal kita
(Classmate ko na) nagbigay ng kaligayahan
Kaya ang nais ko, ikaw ay lagi lang na nandiyaan
Sana kahit tayo ay magkalayo (classmate)
Maalala mo ako (dahil)
Unang araw pa lang, minahal na kita, ah
Bakit ba ganito ang aking nadama?
'Di man kita lubusan pang kilala
Eh, ano naman? Basta mahal kita
Written by: Hambog Ng Sagpro Krew, Jay Vincent
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...