Kredyty
PERFORMING ARTISTS
Fools to Sages
Performer
Marc Reyes
Bass Guitar
Conrad Clark Vida Trinidad
Lead Vocals
Joseph Cesar Laroco
Electric Guitar
Lawrence John Gelio Juntayas Fernandez
Drums
Christian Tamayo Jumarang
Piano
COMPOSITION & LYRICS
Conrad Clark Vida Trinidad
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Marc Reyes
Producer
Tekst Utworu
Nagtatanong, nagtataka
Kailangang pagdaanan ba
Ang 'yong dinaramdam
Naghahanap ng kabuluhan
Sinasagot bawat katanungan
Pinupunan ang patlang
Namimilipit ang pusong nadurong at napunit
Maghinay-hinay at itatak lagi sa isip
Na walang pinipiling lugar
Na babagsakan ang ulan
Kung minsan ay di mapipigilan
Kahit na iwasa'y walang masisilungan
Ibinigay mo nang lahat
Ngunit sadyang hindi sapat
Umasa sa wala
Akala mo'y andito na
Ngunit nabitin lang pala
Wala ring napala
Gumuguho at yumayanig ang 'yong paligid
Maghunos dili at sa dulo'y maiintindihan mo rin
Na walang pinipiling lugar
Na babagsakan ang ulan
Kung minsan ay di mapipigilan
Kahit na iwasa'y walang masisilungan
Ngunit
Wag na wag kang hihinto
Di pa tapos ang laban mo
Masusugatan, madarapa
Ngunit wag kang madadala
Magagalusan ngunit wag mong susukuan
Hangga't may lupa kang lalakaran
Hayaan mong bumuhos ang ulan
Walang pinipiling lugar
Na babagsakan
Ang ulan
Kung minsan ay di mapipigilan
Kahit na iwasa'y
Walang masisilungan
Ohhhh
Kung minsan ay di mapipigilan
Kahit na iwasa'y
Walang masisilungan
Ngunit
Wag na wag kang hihinto
Di pa tapos ang laban mo
Masusugatan, madarapa ngunit wag kang madadala
Magagalusan ngunit wag mong susukuan
Hangga't may lupa kang lalakaran
Hayaan mong bumuhos ang ulan
Written by: Conrad Clark Vida Trinidad

