Vídeo de música
Vídeo de música
Créditos
PERFORMING ARTISTS
Because
Performer
COMPOSITION & LYRICS
BJ Castillano
Songwriter
Bernard Jose Castillano
Songwriter
Nexxfriday
Arranger
PRODUCTION & ENGINEERING
Nexxfriday
Producer
Letra
Sa'n ako dadalhin ng aking katawan
'Di na mahahatid sa 'king pinagmulan
Gusto nang mamanhid, 'la nang maramdaman
Mata sa salamin, utak sa kawalan
Lumilipad na naman ang isip ko
Masyado nang mainit at titirik
Agos ay hindi na tumitigil, oh
Nalulunod kahit 'di sumisid
Pa'no ba itigil 'to?
'Yan na din ang tanong sa sarili
Ilan pa mabibigong pinaglalaanan ng pag-ibig
Alak sa tanghali nang maagang malasing
Kasangga damdaming ayaw sanang harapin
Masyado nang malalim 'di na kayang salagin, ahh
Dami nang pasa na kailangan gamutin
Mga karamdamang himala kung gumaling
Dumulas sa palad, inasahang dumating
Pero sinong salarin, ako din naman
Kalat ang katotohanan kahit hubaran
May tulong na dasal ngunit bakit parang
Hindi gumagana nitong mga nakaraan?
Wala na bang paraan na makabalik sa dati?
Hindi para meron baguhin
Bata na walang tungkulin
Gusto ko na lang maulit
Sa'n ako dadalhin ng aking katawan
'Di na mahahatid sa 'king pinagmulan
Gusto na mamanhid 'la nang maramdaman
Mata sa salamin, utak sa kawalan
Lumilipad na naman ang isip ko
Masyado nang mainit at titirik
Agos ay hindi na tumitigil, oh
Nalulunod kahit 'di sumisid
Pa'no ba itigil 'to?
'Yan na din ang tanong sa sarili
Ilan pa mabibigong pinaglalaanan ng pag-ibig
Written by: BJ Castillano, Bernard Jose Castillano
