Lyrics

Tila inulan ang puso ko Nang nanlamig ang 'yong pagsuyo Oh, bakit nagbago ang iyong pagtingin? Parang malamig na panahon At nang ikaw ay kinausap ko Habang ang ulan ay bumubuhos Nakita ko sa 'yong mga mata Na gaganda ang panahon Tila hihina rin ang ulan Tila lilipas din ang bagyo Kahit madilim ang kalawakan May nagtatagong sinag sa ulap Tila inulan ang puso ko Nang parang naglaho ang pag-ibig mo Oh, bakit ka kaya nagbago? 'Sinlamig ng panahon Tila hihina rin ang ulan Tila lilipas din ang bagyo Liliwanag din ang kalangitan At ang araw ay sisikat na muli Ang karimlan ay haharapin Matatanaw ko rin, bughaw na langit Umaasang pag-ibig mo ay magbabalik Pawiin mo ang lungkot sa puso ko Kahit madilim ang kalawakan May nagtatagong sinag sa ulap Tila hihina rin ang ulan Tila lilipas din ang bagyo Liliwanag din ang kalangitan At ang araw ay sisikat na muli
Writer(s): Carl Sigman, Charles Danvers Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out