Top Songs By Lexi Gonzales
Credits
PERFORMING ARTISTS
Lexi Gonzales
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Natasha L. Correos
Songwriter
Lyrics
Kapag ako'y nangangamba
Isang tingin mo lang ay tumatapang na uli ako
'Pag nawawalan ng pag-asa
Isang tapik mo lang, at naniniwala na muli ang puso
'Di ko kakayanin hanggang dulo
Kung wala ang ilaw ng pag-ibig mo
Ikaw ang aking dahilan
Kung kaya't lumalaban hanggang manalo
Nadarapa ma'y tatayo
Ako ay bunga ng 'yong dasal
Paghihirap at pagmamahal
Kaya't pangako, ako'y magpapatuloy tulad mo
Kahit na magkalayo, isang pagtatagpo
Ang magdurugtong muli sa ating puso
At hindi magbabago, ako'y buhay dahil sa 'yo
Bahagi ka ng aking pagkatao
'Di na maitatama pa ang umpisa
Hindi na bale ngayong tayo ay magkasama
Ikaw ang aking dahilan
Kung kaya't lumalaban hanggang manalo
Nadarapa ma'y tatayo
Ako ay bunga ng paghahanap
Paniniwala mo't pangarap
Kaya't pangako, ako ay mananalo tulad mo
Oh-whoa-oh-oh
Ako ay pinagpala dahil 'tinadhanang
Kayo ang aking dahilan
Kung kaya't lumalaban hanggang dulo
Nadarapa ma'y tatayo
Ako ay puno ng pagmamahal
Namumuhay nang marangal at lumalaban
'Pagkat kayo ang aking dahilan
Writer(s): Natasha L. Correos
Lyrics powered by www.musixmatch.com