Credits
PERFORMING ARTISTS
I Belong to the Zoo
Performer
Rodolfo Guerrero
Lead Vocals
Simon Clariza
Electric Guitar
Lee De Veyra
Electric Guitar
Kristoff Medina
Electric Bass Guitar
Paolo Owyong
Drums
COMPOSITION & LYRICS
Rodolfo Guerrero
Songwriter
Lyrics
Sinong mag-aakala na sa gitna ng dilim ay doon ko pa
Makikilala ang magbabalik ng kulay at saya?
Sa mundo kong nalalanta, ihip ng hangin, nag-iba
'Di pa ito ang tamang panahon para ako'y sumuko na
Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo?
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli?
Kahit pa isang saglit
Maari ba tayong manatili sa ating sariling daigdig?
'Di na kailangang kilalanin ang nakaraan natin
At 'di na kailangang tanggapin na may nagmamay-ari na
Ng damdaming inakalang para sa'kin talaga
Nang ikaw ay biglang nawala
Nalaman kong ako ay pansamantala
Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo?
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli?
Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo?
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli?
Ako ba ay isang hindi inaasahang pagkakamali?
Isang pagkakamali
Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo?
Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli?
Nang ikaw ay bumalik, nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo
Written by: Rodolfo Guerrero