Lyrics
Masdan kaming batang kulang sa pagtingin
Kalinga ang hanap, 'di makita pa rin
Pag-ibig lamang ang aming hiling
Bakit pinagdamot mga bagay na naisin?
Kaya nangangarap na lamang nang gising
Na sana'y marating
Mga munting pangarap namin ay
Maging abot-kamay at sana'y marating namin
Mga anghel kaming walang langit
Dinggin aming hiling, ang aming panalangin
Sa bukas namin, ano ang gagawin?
Sana'y marating ang hanap naming langit
Masdan kaming anghel na ligaw
Wala sa langit, kahit ano'ng gawin, 'di makita pa rin
Pag-ibig lamang ang aming hiling
Bakit pinagdamot mga bagay na nanaisin?
Kaya nangangarap na lamang nang gising
Na sana'y marating
Mga munting pangarap namin ay
Maging abot-kamay at sana'y marating namin
Mga anghel kaming walang langit
Dinggin aming hiling, ang aming panalangin
Mga munting pangarap namin ay
Maging abot-kamay at sana'y marating namin
Mga anghel kaming walang langit
Dinggin aming hiling, ang aming panalangin
Sa bukas namin, ano ang gagawin? (Ano ang gagawin?)
Sana'y marating (marating) ang hanap naming langit
Anghel na walang langit
Writer(s): Jonathan Manalo
Lyrics powered by www.musixmatch.com