Lyrics

Tanong ng anak, "Inay, mayaman ba tayo?"
Sagot ng ina, "Hindi, anak ko
'Di tayo mayaman, panay kayod sa trabaho
Kahit na ganoon, mababa lang ang suweldo."
"Bakit ba, anak? Gusto mo bang yumaman?"
"Opo, inay, para marami akong laruan."
"Ngunit, anak ko, ako muna'y pakinggan
Sasabihin ko sa 'yo ang aking dahilan."
Sa ating mundo'y maraming lamangan
'Pagkat tao'y suwapang at gustong yumaman
'Di na bale ang ibang lunod sa kahirapan
Basta't makuha lang ang pansariling kabutihan
Kung ang tao'y sampu, at ang pera'y sampu lamang
At tig-i-tig-iisa ang mga mamamayan
Sa ganitong sitwasyon, walang kahirapan
Sa ganitong sitwasyon, wala ring mayaman
Ngunit kapag ang isa'y kumuha ng lima
Anong maiiwan sa siyam na natira?
Paghahati-hatian ang naiwang pera
Ang siyam ay mahirap, iisa ang may-kaya
Anak kong giliw, ating pag-isipan
Kung tama nga bang magkaroon ng mayaman
Kung ang kayamana'y iba ang pagkukunan
Ang hindi makakuha'y kawawa naman
Dapat sana dito sa ating bayan
Pantay-pantay ang lahat ng mga mamamayan
Walang naghihirap at palamon lamang
Walang nagdurusa at walang naiisahan
"Ito'y panaginip na sana'y makamtan
Musmos mong isip sana'y maintindihan."
"Opo, inay, ngayon ko lang nalaman
Hindi na po ako maghahangad yumaman."
Dapat sana dito sa ating bayan
Pantay-pantay ang lahat ng mga mamamayan
Walang naghahari at walang mayaman
Walang naghihirap at walang kaapihan
Written by: Karina David
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...