Credits
PERFORMING ARTISTS
VXON
Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Xergio Ramos
Composer
Franz Robin Chua Palapo
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Franz Robin Chua Palapo
Producer
Xergio Ramos
Producer
Timothy Recla
Engineer
Magic Montano
Engineer
Lyrics
Mm, na, na-na-na-na
Kung saan-saan hinanap, paglisan 'di ko inakala
Hindi alam ang paraang malimot ka nang tuluyan
Sarili ko ang sinisisi, iniwan ng walang pasabi
Kailangan lang malaman ang mga dahilan
Ikaw pa rin ang iniisip, laman pa rin ng panaginip
Nalulungkot, laging takot maiwanan mag-isa
Sinanay mo 'kong umaasa, palagi tayong magkasama
Paano na ako nito? Hindi makalimot
Pinanghawakan ang sinabi, pangako mo iyong binali
Paano na ako nito? Hindi makalimot
Na-na-na
Sana lang sinabi na lahat hangga't maaga pa
'Di mo na 'ko sana pinaasa para bang wala pang napala
Sana lang ay lingunin, pag-ibig ba'y maibabalik?
Baka sa piling ng iba mahanap mo ang tunay na ligaya
Ikaw pa rin ang iniisip, laman pa rin ng panaginip
Nalulungkot, laging takot maiwan mag-isa
Sinanay mo 'kong umaasa, palagi tayong magkasama
Paano na ako nito? Hindi makalimot
Pinanghawakan ang sinabi, pangako mo iyong binali
Paano na ako nito? Hindi makalimot
Paano? Paano Na?
Pa'nong nakalimot ng gano'n-gano'n na lang?
Paano? Paano Na?
Pa'nong nakalimot ng gano'n-gano'n na lang?
Nasanay na 'kong umaasa, 'di na tayo magkasama
Paano na ako nito? Sana makalimot (oh)
Nasanay na 'kong umaasa (nasanay na 'kong umaasa), 'di na tayo magkasama (hindi na)
Paano na ako nito? (Magkasama), sana makalimot
Wala ka na sa aking piling (wala ka na sa aking piling)
Uunahin muna ang sarili (ako na muna ngayon)
Paano na ako nito? Sana makalimot
Paano? Paano na?
Pa'nong nakalimot ng gano'n-gano'n na lang? Oh
Paano? Paano na?
Pa'nong nakalimot ng gano'n-gano'n na lang?
Paano na? Paano na?
Writer(s): Franz Robin Chua Palapo, Xergio Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com