Credits

PERFORMING ARTISTS
Hangad
Hangad
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Elliot Eustacio
Elliot Eustacio
Arranger
Ryza Martinez-Solaña
Ryza Martinez-Solaña
Composer

Lyrics

Cantare Amantis Est
Naisasabuhay ang pagmamahal Mo sa 'ming himig.
Nabigyan ng kulay at kahulugan ang aming tinig.
Ang sinumang umaawit ang s'yang umiibig,
Tinawag Mong maglingkod upang Ika'y marinig.
Walang laman ang buhay kung walang papuri at awit,
Walang saysay ang pagsilbi kung dalit maiimpit.
Panginoon sasambitin t'wina ang wika Mo,
Nang maipahayag kabutihan Mo sa mundo.
Pag-ibig na nagpapalaya, nagpapaigting sa 'ming pananampalataya;
Bumubulong, nangyayakap sa puso at kaluluwa, sa bawat himig at salita,
Ika'y nadarama. Biyayang tunay ang Iyong musika.
Itulot Mo, O, D'yos na makilala at ibigin Ka,
Upang matagpuan kaligayahan sa t’wina.
Panginoon hindi panatag ang aming puso,
Hanggang hindi kami nananahan sa Iyo.
  
Pag-ibig na nagpapalaya, nagpapaigting sa 'ming pananampalataya;
Bumubulong, nangyayakap sa puso at kaluluwa, sa bawat himig at salita
Ika'y nadarama. Biyayang tunay ang Iyong musika.
Biyayang tunay ang Iyong musika. Ooh ooh
Written by: Elliot Eustacio, Ryza Martinez-Solaña
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...