Krediler
PERFORMING ARTISTS
Joshua Feliciano
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Joshua Feliciano
Songwriter
Şarkı sözleri
Salubong ng umaga
Na walang inaalala
Kun'di ang 'yong presensya
At ang mga yakap mong pampakalma
Patunugin ang telepono
Gisingin mo na ako
At lalapit sa 'king mundo
Oh, lalapit sa 'yo
At sasapit na ang alas dos y medya
Muling maghaharap ang mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nasisilayan ng mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nadarama ng ating kaluluwa
Mahal, malapit na 'ko, malapit na
Saglit na lang, España na
Mahihintay mo ba ako?
Medyo trapik lang pero
'Onting tiis na lang ang layo, hm
Papalapit-palapit sa 'yo
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nasisilayan ng mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nadarama ng ating kaluluwa
Mahal, malapit na 'ko, malapit na
Saglit na lang, España na
Kahit wala man akong madatnan
Oh, sa tagpuang napag-usapan
'Di na kita mahahagkan
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nasisilayan ng mga mata
Salubungin natin ang umaga na
'Di pa nadarama ng ating kaluluwa
Salubungin natin ang umaga na
Nananatili sa iyong pagkawala (sa iyong pagkawala)
Salubungin natin ang umaga na
'Di na muling masisilayan pa
Mahal nandito na 'ko, nandito na
España na, nandito na
Nandito at España na
Writer(s): Joshua Feliciano
Lyrics powered by www.musixmatch.com