Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Aikee
Aikee
Lead Vocals
COMPOSITION & LYRICS
Aaron Paul Del Rosario
Aaron Paul Del Rosario
Songwriter
Nikusheen On
Nikusheen On
Songwriter

Lyrics

Madd World Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako Ano ba 'tong nararamdaman? Bakit gan'to? Sa t'wing nakikita kita, ako'y napapahinto Ako'y natataranta at kinakabahan Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan 'Di ko maintindihan kaya't lumapit sa 'yo At no'ng una kang makausap, ninerbiyos ako At nawala na lang bigla ang aking kaba Nang may nakita 'kong ngiti sa 'yong maamong mukha Nakipagkilala ka't inabot ang 'yong kamay Hanggang sa pag-uwi, tayo ang magkasabay Masayang nagkukulitan habang nagkukuwentuhan At kahit kailan, hindi ko 'to malilimutan Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako At magmula no'n, napalapit na 'ko sa iyo Masaya 'ko sa t'wing magkasama tayo Sa t'wing papasok sa eskuwela hanggang sa pag-uwi At 'pag nag-lunch break na, tayo'ng magkatabi Ikaw ang tumutulong sa mga homework ko At pagkatapos, sabay tayong naglalaro Ng PS2 at ng Ragnarok sa PC Nanonood ng gusto kong cartoons sa TV Na Slam Dunk o ng Dragon Ball Z Nand'yan s'ya 'pag napagalitan ni Daddy 'Di umaalis, she'll never leave me alone Sino'ng 'di maaaliw sa mga text sa phone, 'di ba? Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako At para bang biglang nagunaw ang aking mundo Nang mabasa ko ang liham na 'pinaabot mo Na kailangan mong lumisan at mang-ibang bayan Kaya't sa akin, ikaw ay nagpaalam At 'di ko alam kung babalik ka Kaya't para 'kong halaman na biglang nalanta Na nawalan ng sigla, unti-unting tumumba Inaasahang makakasama ka hanggang pagtanda Pero kahit na mahirap 'to, kailangan tanggapin Kahit masakit 'to, kailangan tiisin Kailangan 'tong gawin para 'yong marating Ang mga pangarap mo, kailangan mong abutin At sana balang araw, makita kang muli At sana balang araw, makasama kang muli Tandaan lang, kahit saan ka magpunta Na kahit bata lang ako, mahal na kita Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako Kahit bata pa ako (kahit bata pa ako) Alam kong minamahal kita (minamahal kita) Hindi ito isang laro, 'di ako nagbibiro May puso rin ako kahit bata pa (kahit bata pa) ako
Writer(s): Aaron Paul Del Rosario Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out