Lyrics

Ooh... Isip ko ay gulo, 'di alam ang gagawin Kung ako'y iiwas at sa 'yo ay sasabihin Na ako sa 'yo'y may pagtingin 'Di mo lang ito napapansin Mayro'n bang makapagsasabing iniisip kita? At mayro'n bang may alam na laging hinahanap ka? Kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba Na ako ay may lihim na pagsinta? Sana ay mayroong makapagsabi man lamang Kahit na isa lang sa iyong mga kaibigan Na ako sa 'yo'y may pagtingin 'Di mo lang ito napapansin Mayro'n bang makapagsasabing iniisip kita? At mayro'n bang may alam na laging hinahanap ka? Kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba Na ako ay may lihim na pagsinta? Mayro'n bang makapagsasabing iniisip kita? At mayro'n bang may alam na laging hinahanap ka? Kung ako naman ay iiwas, malalaman mo ba Na ako ay may lihim na pagsinta? Hmm, may lihim na pagsinta
Writer(s): Freddie Saturno Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out