Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Stick Figgas
Stick Figgas
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Marlon "Loonie" Peroramas
Marlon "Loonie" Peroramas
Composer
Ron Henley
Ron Henley
Composer
Juan Carlos Sebastian
Juan Carlos Sebastian
Composer
Lester Paul Vano
Lester Paul Vano
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Eric Perlas
Eric Perlas
Producer

Lyrics

(Ano gayan) (Habang padagdag ng padagdag ang aking kayamanan) (Lalong lumalaki ang gastos ko para mapanatili lang ang aking kaligayahan) (Kasukdulang kaligayahan ay hindi nabibili ng pera) Simulat sapul ganun na talaga ang ikot ng mundo Matagal na natin 'tong nararanasan Napipilitan tayong gawin ang trabahong hindi natin gusto Para bilhin ang mga bagay na hindi natin kailangan Kahirapan, sanay na kami dyan Higit libo na ang bilyonaryong may kaharian Ngunit bilyon din ang taghirap patay na yung ilan Wala sanang taggutom kung pantay yung hatian Alam mo bang anim na pung trilyong dolyares Ang lahat ng pera sa buong mundo kung susumahin mo sila? Kapag hinati natin ng pantay Bale mayro'n tayong tag sya-syam na libong aray Bawat isa laging problema pag-atrenta may pang renta na ba ako? Wala pa rin pambayad sa punyetang meralco Wala kang pera sa bangko, wala kang kwenta na tao Sa jack-en-poy ng buhay laging papel ang panalo Pera, ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo Yan ang nakasulat sa libro Pera, kaso lang napansin ko Hindi salapi ang tunay na salarin kundi ang kakulangan nito Kasi marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Kung wala kang datung, wala kang dating Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim Kasi marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Kahit hindi pasko makatanggap ng aginaldo Magkagera man may maipadalang mga sundalo Makabihag sana ng iba't-ibang ulo ng tao Para dumami yung bilang nila pagbalik ng kampo Sa kanto may lotohan ako'y napataya Sana swak, sa numerong tatama mamaya Lumalalang kundisyon ng bulsang walang-wala May pag-asa pa kayang mapataba Halimuyak ng iniihaw na atay, dugo, bituka Sa kung sa'n nagwewelgang mga bulate sa sikmura Sa aking paningin dingding itim na yung pintura Kung paghahanap lang sana ng trabaho yung inuna Ang hirap mong kitain ang dali mong magpaalam Pinilahan, dinilaan at pinagpasapasahan Makati ka pa sa palad kaya pinagnanasahan Napupunta ka lang sa bagay na 'di ko naman kailangan sayang Pera, ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo Yan ang nakasulat sa libro Pera, kaso lang napansin ko Hindi salapi ang tunay na salarin, kundi ang kakulangan nito Kasi marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Kung wala kang datung, wala kang dating Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim Kasi marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera 'Di na tayo Mag-uulam ng galunggong Balang araw Kasi sa susunod Asin na lang at bahaw Tumungo ng tindahan para maka-utang ng de-lata Parang tiyan walang laman at maisuka ang pitaka Kahit gustohin ko manhiram sa kakilala 'Wag na lang kaya, baka mapahiya pa Sa baba ng piso ay lalong hindi ko Na kaya pang mabuhay pa rito Bago humiga, manalangin huminga ng malalim Harapin ang bukas na sana'y mayro'n tayong makain Wala man lang kanin, biscuit lang ang nasa harap Tiis lang muna kapatid tipid lang sa bawat kagat Sa tuwing gipit at presyo ng bilihin ay umaangat Ang century tuna't pancit canton biglang sumasarap Ito na yung pagbangon sa pagkakabaon sa utang Tutukan niyo na para bang yung sekyu dun sa pintuan Yumuko kayo lahat walang tatakbo, itaas mga kamay ninyo (boom, boom, boom) Marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Kung wala kang datung, wala kang dating Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim Kasi marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal, you have got no moolah Marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kay kwarta Kung wala kang datung, wala kang dating Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim Kasi marami ang mahal, marami ang mahal Marami ang mahal pag wala kang pera Sa mayaman puro luho Sa mahirap puro luha Pag 'di kaya sumusuko Ang mahina sumusuka
Writer(s): Juan Sebastian, Lester Paul Vano, Marlon Peroramas, Ron Henley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out