Lyrics

Umiiyak ka na naman Bakit palagi kang gan'yan? Sa sarili'y 'di naaawa at laging luhaan Hanggang kailan magmumukmok Doon sa isang sulok? Hindi na ba magagawang kalimutan ang 'yong pagsubok? Bakit 'di turuan ang puso'y magmahal muli? Nang maampat ang luha ng isang sawi Narito ako para sa 'yo upang ika'y ibigin ko Sumandal ka sa 'kin nang madama pag-ibig ko sa 'yo At ang iyong pagdaramdam sa puso ko'y tumatagos Ang 'yong pagdadalamhati ay 'di ko kayang matarok Maaari bang gumising na sa kay tagal na bangungot? Halika na at lulunasan ko, luhang umaagos Bakit 'di turuan ang puso'y magmahal muli? Nang maampat ang luha ng isang sawi Narito ako para sa 'yo upang ika'y ibigin ko Sumandal ka sa 'kin nang madama pag-ibig ko sa 'yo Tumahan ka na Pakiusap ko, siya ay kalimutan na Tayo'y mag-umpisa Tayo lamang dal'wa Sa aki'y 'di ka na luluha pa Bakit 'di turuan ang puso'y magmahal muli? Nang maampat ang luha ng isang sawi Narito ako para sa 'yo upang ika'y ibigin ko Sumandal ka sa 'kin nang madama pag-ibig ko sa 'yo
Writer(s): Saturno Venancio Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out