Music Video

Credits

PERFORMING ARTISTS
Stick Figgas
Stick Figgas
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Marlon "Loonie" Peroramas
Marlon "Loonie" Peroramas
Composer
Ron Henley
Ron Henley
Composer
Lester Paul Vano
Lester Paul Vano
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Eric Perlas
Eric Perlas
Producer

Lyrics

Limitado ang renta natin sa planeta Nasasayang sa mga bagay na walang kwenta Kung pinanganak ka ng dekada otsenta Wag ka nang umasang umabot ka pa ng nobenta Alaala na ang kabataan ang saya-saya Hanggang sa ang barkadahan ay nagkanya-kanya Di na mapaghiwalay pagnagdikit silang lima Hanggang sa tumanda at nagkapamilya na sila Dating magkatropa mga trip ay nag-iba Tsaka na lang nakumpleto nung Libing na nung isa May langit nga ba? Pano kung wala? Nasayang lang buhay mo sa kakatingala Kakahintay sa gantimpala't himala Sumabay sa sablay na paniniwala ng madla Pasok sa paaralan, maghapong tulala Hanggang sa makatapos pero trabaho ay wala Tatambahay maghapon na mabahong paa Oras na para bumangon aba Palagi ka na lang nakahiga kahapon ka pa Maraming oras para dyan kapag nasa Kabaong ka na Sasayangin mo kaya ang segundo kahit isa Kung alam mo na kung ilan na lang Ang natitira? Ano kaya sa mga ugali mo magiiba? Kung alam mo na kung kelan Ang huli mong hininga Habang buhay ka ba mananatiling nakatanga? Anong gusto mong gawin? Nkapili ka na ba? Napakaikli nakakabitin talaga sulitin mo na Habang himihinga ka pa Gamit ang lapis sa bulsa ako'y magiiwan Ng marka na di maaring mabura Subalit aking napuna Ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta Ngunit bakit walang nais mauna? Hindi ka pwedeng hindi magpaalam Dahil ang buhay natin ay hiram lang Nilukso ko ang kalawakan Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan Hindi ka pwedeng hindi magpaalam Dahil ang buhay natin ay hiram lang Nilukso ko ang kalawakan Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman Nais ng ilan, wala ng solian Ayaw pang bitawan ang kanilang nakagawian Habang yung iba naman Naghanap ng dahilan magdiwang umaasang merong ulitan Bigay man o hiram Ano mang kahulugan Susulitin ko nalang Kasi bibihira lang namang Mangyare sa kaluluwa ang ganitong klase ng karanasan Pano nga kaya kung nakatago lang pala sa bungo ang susi ng kaharian Para lalo mong masaksihan Dapat ay bukas ang puso at payapa ang kaisipan Kung tayo ay gawa sa putikan Nandito ba tayong lahat para lang mahulma Pero nakatulog lang sa sinehan Pag gising ang palabas ay magtatapos na Kakumusta, kasi yung mga pinapanuod namin minsan kapus pa Ngunit sa lakas ng pagbagsak parang Bola ganun din kataas ang pag talbog nya Kung ang buhay sinusukat sa segundo Meron tayong tig iisang minuto San mo gagamitin ang mga natitirang ginto mo? Madadala mo ba lahat yan pagdating sa dulo? Pag nandyan na yung sundo mo? Na tayong lahat Marami rami narin ang kinukumplika Baka papunta sa Bago tayo magtapos papunta Din lahat dun diba? Kaya mga nagmamalinis Nagmamabango Bahala kayo Magkikita kita rin tayo sa pagiging abo Basta ako sisindi ng damo Makikigamit nalang sa di luging ako tara Hindi ka pwedeng hindi magpaalam Dahil ang buhay natin ay hiram lang Nilukso ko ang kalawakan Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan Hindi ka pwedeng hindi magpaalam Dahil ang buhay natin ay hiram lang Nilukso ko ang kalawakan Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman Buhay sing iksi ng gitling sa lapida Isang regalo na malaman tuwing umaga Ako'y nagigising at humihinga Naibahagi ko ba ang kaligayahan para sa iba Natagpuan ko rin naman kaya para sa sarili ko at nakapagtira Baka tayo'y parang mga dahon lang Na ang misyon ay ang magpataba sa lupa Para may matibay na maapakan ang mga Susunod na magiging binhi supling at utak Nung ako'y namasukan Naghintay ako ng pitong linggo para maging ganap na nilalang Ganun din ba sa paglisan? May apat na pu't araw pagkatapos ng pasiyam!? Kahapon na ngayon kapag bukas ay dumaan Dahil sa kakatingala mo sa prutas sa ubasan Bawat segundo'y mahalaga, di mo alam kung ilan nalang ang nasa orasan Natin papuntang impyerno ang mga pangarap kong daan Meron ba talagang buhay na walang hanggan? Maililigtas ba 'ko ng santo saking ulunan? Makakapasok ba ako sa palasyo sa kaulapan? At kung tunay yan nasa banal na kasulatan Ang paanyaya ni kamatayan ay papaunlakan Ano kayang pakiramdam pag ako naman ang haba ng pila sino Kayang nasa unahan? Walang permanente sa mundo alam ko yan Kaya nais kong pumanaw na may kabuluhan Ang buhay tulad ng lahat ay may katapusan Wala ka ng magagawa kung hanggang doon na lang Hindi ka pwedeng hindi magpaalam Dahil ang buhay natin ay hiram lang Nilukso ko ang kalawakan Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan Sundan ang liwanag, Gisingin ang kamalayan Hindi ka pwedeng hindi magpaalam Dahil ang buhay natin ay hiram lang Nilukso ko ang kalawakan Nais kong lasahan ang hiwaga ng halaman Ipakita sa akin ang mundo ng makulayan Tuklasin ang lagusan pabalik sa pahiraman Sensya na, di ko maintindihan yung iba hahaha
Writer(s): Lester Paul Vano, Marlon Peroramas, Ron Henley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out