Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Eumee
Eumee
Lead Vocals
JC Santos
JC Santos
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Joseph Santiago
Joseph Santiago
Songwriter

Lyrics

Nagtitiis kahit nasasaktan 'Wag niya lamang akong tuluyang iwanan Hapdi at bigat ng nararamdaman Ang panglalamig nang aking nalaman Sino nga ba ang biktima sa 'ting dalawa Ngayong pareho na tayong kailangan siya? Handa 'kong magbigay at magpaparaya 'Wag mo lamang tuluyang kunin siya Pwede bang hati na lang tayo sa kanya? Sa 'kin sa gabi, sa 'yo sa umaga Pwede bang minsan mo na lang hiramin ang pag-ibig niya? Hati na lang, hati na lang tayo sa kanya Nagtitiis 'pag kapiling mo siya Habang kayo'y masaya, ako'y nagdurusa Ikukubli aking nalalaman Kung kukunin mo siya, du'n kita pipigilan Sino nga ba ang biktima sa 'ting dalawa Ngayong pareho na nating kailangan siya? Handa 'kong magbigay at magpaparaya 'Wag mo lamang tuluyang kunin siya Pwede bang hati na lang tayo sa kanya? Sa 'kin sa gabi, sa 'yo sa umaga Pwede bang minsan mo na lang hiramin ang pag-ibig niya? Hati na lang, hati na lang tayo sa kanya Isang umaga, nagising akong wala ka Isang bakanteng unan at isang maluwag na kama Hindi mo nakuhang magpaalam kung sa'n ka pupunta O baka naman nalaman mong mayro'n na 'kong iba at 'di mo kinaya? Sa wakas, malaya na kaming makakapagsama Hindi na namin kailangan magtago para walang makakita Hindi na paulit-ulit itatanggi ang iyong mga pagdududa Ngunit sa kabila ng masama kong hangarin, bigla kong naalala Nu'ng una kitang sinuyo at niligawan Isang matamis na ngiti sa bawat matamis na salita kong binitawan Na magiging matatag tayo kahit anuman ang pagdaanan Pero naging marupok ako sa tukso at 'di ko 'to nakuhang labanan Agad kitang hinanap, niyapos nang mahigpit na yakap Na kahit hindi ka magsalita, ang mga luha sa 'yong mga mata'y nangungusap Tinawag kitang baliw at wala sa katinuan Pero ako pala 'tong mas malaki ang pagkukulang Pwede bang hati na lang tayo sa kanya? Sa 'kin sa gabi, sa 'yo sa umaga Pwede bang minsan mo na lang hiramin ang pag-ibig niya? Hati na lang, hati na lang tayo sa kanya
Writer(s): Joseph Santiago Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out