Lyrics

Magkatabi Ngunit 'di magtagpo Dahil magkaiba tayo Ng mundo Puro tingin Dahil 'di naman alam ang gagawin Subukan ko Kayang lumapit Baka merong maipilit At kahit saglit ay magtugma Ang isip at salita Pero 'di ko magawa Pinipigilan ng tadhana Magkatabi ngunit 'di magtagpo Dahil magkaiba tayo ng mundo Mangangarap na lang o maghahanap ng paraan Para ang isa't isa ay maintindihan Pinilit kong abutin Kahit na mahirap ay kinaya kong gawin Dahil 'yon lang ang paraan Para makasama ka at mahagkan Pero ba't ganito Kaya nang ibigay lahat sa 'yo Bakit 'di pa rin ako Tanggap sa iyong mundo Magkatabi ngunit 'di magtagpo Dahil magkaiba tayo ng mundo Mangangarap na lang o maghahanap ng paraan Para ang isa't isa ay maintindihan Ang sabi mo 'Di kailangang magbago Kailangan lang maging totoo Magkatabi ngunit 'di magtagpo Dahil magkaiba tayo ng mundo Mangangarap na lang o maghahanap ng paraan Dahil hindi lahat ng bagay maiintindihan Magkatabi ngunit 'di magtagpo Dahil magkaiba tayo ng mundo Mangangarap na lang o maghahanap ng paraan Para ang isa't isa ay maintindihan
Writer(s): John Jireh S. Lim Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out