Music Video

Featured In

Credits

PERFORMING ARTISTS
Kris Aquino
Kris Aquino
Performer
Noel Cabangon
Noel Cabangon
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Romeo Dongeto
Romeo Dongeto
Songwriter

Lyrics

Pana-panahon ng pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Natatandaan mo pa ba No'ng tayong dal'wa'y unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay mong gumamela? Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon Ang mga puno't halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan? Pana-panahon ng pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Ngayong ikaw ay nagbalik At tulad ko rin ang 'yong pananabik Makita ang dating kanlungan Tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa? Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno't halaman Bakit kailangang lumisan? Pana-panahon ng pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno't halaman Bakit kailangang lumisan? Pana-panahon ng pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon?
Writer(s): Romeo Dongeto Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out