Credits

PERFORMING ARTISTS
Shanti Dope
Shanti Dope
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Sean Patrick Ramos
Sean Patrick Ramos
Songwriter
Lester Paul Vano
Lester Paul Vano
Songwriter
PRODUCTION & ENGINEERING
Lester Paul Vano
Lester Paul Vano
Producer

Lyrics

Habang tumatagal ay mas inaalam
Para sa'n ko 'to ginagawa nung simula pa lang
Musika man ang naging bibig na ng isipan ko
May mga nagdaang rason pa din para tigilan 'to
Alam ko nang dito na 'ko darating nung una pa
Sa kung papa'no gustuhin 'to kumbaga
Kulang na lang sabihan ng mahal kita, papunta na
Mikroponong tumatalon, huli na ng sumampa, kulang ba
Pa'no mabuhayan, naghanap ng magdududa
Kahit 'di na pinupulot 'pag basura na
Sumulat ang sagot ko, sumaya ng walang pinapatunayan
Sa iba, kung sa sarili, pwede pa kahit agaran
Magkaro'n ng ikalawa na pangalan
Sa entablado ay hindi na inasahan
Kung nilagay ako dito, kapalaran na may kasalanan
Natural ang dinala ng hangin sa gustong tapakan
Tugatog gamit ang paang pinatid ng marami
Naging mapagisa nung mag-iba ng klase
Kada araw na may pasakit, sayang klase
May sulatan at tintang sumalamin sa 'king imahe
'Di bale tawanan kahit abutin ka ng umaga
Ito ako buo may perang babangon sa kama
Lango sa kakalaro ng bara
Iwan mo mang kalbo yung Sagada, 'di mo 'to kaya
Mangarap na parang
Umpisa't huli palaging paalala sa sarili 'pag wala ng gana
Harapin ang bukas kada tutok sa mabahong nakaraan
Sarili ang kalabang 'di mo kayang nasasaktan
Isipan na kung 'di man kontrolado, kalaban 'yan
Natuto sa karanasang wala 'ko mapaglagyan
'Di ka na dapat kabahan, walang halong drama 'to
Binigyang kahulugan ko lang pagbangon sa kama ko
Sa dami ng nilampasang araw na dinadaing
Ay mas naging kapana-panabik sa'kin yung panibagong darating
Madami mang tila pasyente diyan na magaling
Ay nasa salamin ang templo ng dapat ko sambahin
Ako 'yan
Ako 'yang nasa salamin
Ako 'yan
'Sa pa
Ilang ulit sinubukan ng buhay kung kaya pa
Gusto nila 'ko magdrama, tinawa ko lang kahit dagdag ngawit sa panga
Maging saya ko lang yung galit mo
Baka sakaling kapayapaan naman yung topic
Gusto lang din naman makagawa ng classic
Kung saan-saan pa dinala ng awit, tulala sa trapik
Dagit Magdalena't Maria Clarang nakatalik
Biyaheng langit ba 'tong musikang depende sa paggamit
Kakaadik na kaya huminga muna sandali
Bago mo 'ko tuldukan, gawin mo yung minamani
Ko lang sa madaling salita, sulat ng panggulat na pangmulat pa
Mag-gulay ka, ganyan maligaw sa gubat
Pa-Cavite, sa'min walang libre
Katuparan ay binabayaran ng pagsisikap ng maigi
Kung alam mo lang pinagdaanan ko, 'di mo 'ko masisisi
Na sa ganitong sapatos manatili, hiphop
Written by: Lester Paul Vano, Sean Patrick Ramos
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...