album cover

Maghihintay

49Praise & Worship2024
album cover
Maghihintay was released on January 26, 2024 by Reverb Worship as a part of the album Maghihintay - Single
ReleasedJanuary 26, 2024
LabelReverb Worship
BPM62
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Music Video

Music Video

Lyrics

Pag-ibig Mo ba’y naglaho na?
‘Di na ba maaari pang sa pangako Mo’y umasa?
Araw-araw hinahanap kita
Naguguluhan, nasasaktan
Bakit parang wala ka na?
Ako ba’y makakalaya pa?
Ginugulo ng pangamba
Sana Iyong dinggin itong aking panalangin
Sa aking pagdaing
O, Hesus, ako’y lingapin
Sa kahinaan, Ikaw ang kalakasan ko
Sa kalungkutan ay Ikaw
Ikaw ang siyang karamay ko
Sa lahat ng oras Ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang hinahanap ko
Hesus, maghihintay ako
Sa bawat gabing lumuluha
Ito ba’y Iyong nakikita?
Yakap Mo’ng aking kailangan
Magiging panatag ang kalooban
Hindi ko man maintindihan
Basta’t Ika’y nandyan
Ako’y laging sasamahan
‘Di Mo ako pababayaan
Sana Iyong dinggin itong aking panalangin
‘Wag sanang magkubli
Hesus, mangusap Ka sa akin
Sa kahinaan, Ikaw ang kalakasan ko
Sa kalungkutan ay Ikaw
Ikaw ang siyang karamay ko
Sa lahat ng oras Ikaw ang kailangan ko
Ikaw ang hinahanap ko
Hesus, maghihintay ako
Sana Iyong dinggin itong aking panalangin
Sa aking pagdaing
O, Hesus, ako’y lingapin
Ang kabutihan at ang katapatan Mo
(Katapatan Mo)
Muli panghahawakan ko
Ang mga pangako Mo
Ano man ang nais at ang kalooban Mo
(Kalooban Mo)
Hesus, maghihintay ako
Maghihintay ako
Maghihintay ako, Sa’yo
Written by: Ava Canaceli

Shazam Footer

Select language:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Follow Us

Loading...