Credits
PERFORMING ARTISTS
Asin
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Mila "Maela" Jose
Songwriter
Lolita Carbon
Songwriter
Lyrics
Kailan nabubuo ang awit ng puso?
Kailan gumaganda ang paligid sa mundo?
Kailan lumiliwanag ang tingin sa dilim?
'Di ba't kapag umiibig ka rin?
Kailan makislap ang mga bituin sa langit?
Kailan masarap ang hanging umiihip?
Kailan magaan ang nararamdaman?
'Di ba't kapag ika'y nagmamahal?
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal
Ito'y biyaya ng Diyos na Maykapal
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal
Ito ang tunay na maiaalay
Kailan mapayapa dito sa daigdig?
Kailan maibabalik ang bansang tahimik?
Kailan mawawala ang lahat ng ganid?
'Di ba't 'pag mayroong pag-ibig?
Kailan matatapos ang sapalaran?
Kailan mararating ang kalangitan?
Kailan mararanasan ang walang hanggan?
Kapag may tunay kang pagmamahal
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal
Ito'y biyaya ng Diyos na Maykapal
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal
Ito ang tunay na maiaalay
Ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?
Ito'y biyaya ng Maykapal
Ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?
Ito ang tunay na maiaalay
Kailan nabubuo ang awit ng puso?
Kailan gumaganda ang paligid sa mundo?
Kailan lumiliwanag ang tingin sa dilim?
'Di ba't kapag umiibig ka rin?
Kailan makislap ang mga bituin sa langit?
Kailan masarap ang hanging umiihip?
Kailan magaan ang nararamdaman?
'Di ba't kapag ika'y nagmamahal?
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal (ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?)
Ito'y biyaya ng Diyos na Maykapal (ito'y biyaya ng Maykapal)
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal (ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?)
Ito ang tunay na maiaalay
Ano'ng pag-ibig? (Pagmamahal), ano'ng pagmamahal?
Ito'y biyaya ng Maykapal
Ano'ng pag-ibig? (Pagmamahal), ano'ng pagmamahal?
Ito ang tunay na maiaalay
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal (ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?)
Ito'y biyaya ng Diyos na Maykapal (ito'y biyaya ng Maykapal)
Pag-ibig, pag-ibig, pagmamahal (ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?)
Ito ang tunay na maiaalay
Ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?
Ito'y biyaya ng Maykapal
Ano'ng pag-ibig? Ano'ng pagmamahal?
Ito ang tunay na maiaalay
Written by: Lolita Carbon, Mila "Maela" Jose