album cover

Celebration

112Pop2026
album cover
Celebration was released on January 21, 2026 by GDEE MUSIC as a part of the album Celebration - Single
ReleasedJanuary 21, 2026
LabelGDEE MUSIC
BPM
Melodicness
Acousticness
Valence
Danceability
Energy

Lyrics

Sobrang dami pang pangarap balak ko na tuparin
Oh anong sarap nasimulan na rin
Nalampasan mga delubyong dumating
Alam kong marami pang paparating
Lingon muna para hindi makalimot
Bat ako di humihinto
Bat sinimulan ko to
Kase alam kong ang mundo'y umiikot
Madaming pasikot sikot
Bago mo marating pinaka tuktok
Alam ko naman na di madali
Panalangin ay mauwi ko tagumpay at punyagi
Kung sakaling sakalin ng kabiguan
Alam kong di pa huli, yeah
Palaging merong rason para magsimula ka't manalangin,woah
Isipin palagi kung ano na kinaibahan mo sa dating ikaw
Di ka na ligaw, madilim man ang daan
Kamalian ang nagsilbing ilaw
Palaging abante
Marami mang mga pasanin
Sa byahe, kalaban, at mga balakid
Ano mang mangyare, bawal makampante
Wag kang magpapadala
Sarili ko lang ang kakampi ko
Bawal akong tamarin
Kung merong masabi sakin 'di na bale
Tao naman ako't tao ka rin
Wala nang palalampasin
Yung takot di papansinin
Sarili'y palalakasin pa
Yun ang kailangan kasi
Sobrang dami pang pangarap balak ko na tuparin
Oh anong sarap nasimulan na rin
Nalampasan mga delubyong dumating
Alam kong marami pang paparating
Lingon muna para hindi makalimot
Bat ako di humihinto
Bat sinimulan ko to
Kase alam kong ang mundo'y umiikot
Madaming pasikot sikot
Bago mo marating pinaka tuktok
Mga paa ko'y palagi lang nasa baba
Mata sa taas
Walang nabago andyan ang bakas
Ng mga tinaya ko kahit nadehado
Laging pati pato ako sumugal
Walang magulang na kinamulatan
Kaya lumaki na magulang, matapang
Kahit san mo pa itapat o ihanay
Ako ang patunay na kahit may kulang
May kulay parin ang buhay
Ikaw mag pipinta
Panahon magdidikta
Bawal mainipin dapat laging
Nanggigil kalaunan makukuha
Mo din ang timpla
Matamis, mapait ang buhay totoo
Kaya dapat araw araw laging tinotodo mo
Dapat laging handa sa pagkabigo
Wag na wag mong kalimutan na ang Panginoon nasa tabi mo
At kahit sabihin nila na wala 'kong galing, di ko kaya
Bitbit ko parin ang kompyansa
Tutuloy ako sa pagliyab
Sobrang dami pang pangarap balak ko na tuparin
Oh anong sarap nasimulan na rin
Nalampasan mga delubyong dumating
Alam kong marami pang paprating
Malayo layo na rin ang aking narating
Munting tagumpay ay naging ganap na rin
Walang iba kung 'di ako ang salarin
At ako ay handa na sa paparating
Written by: Ben Joseph Dellosa, Gabriel Dominic Carael, Kobe Andrei Dionela

Shazam Footer

Select language:
Google Play Store
Apple App Store
Chrome Web Store
Galaxy Store

Follow Us

Loading...