制作
出演艺人
Louie Heredia
表演者
作曲和作词
Moy Ortiz
词曲作者
Edith Gallardo
词曲作者
歌词
Tinatanong ko sa araw kung ako'y mahal mo
Kahit mga bituin kinakausap ko
Pati na nga ang buwan inabala ko na
Baka lang sakali, baka alam niya
Nakikinig ako sa ihip ng hangin
Baka siya madulas, bigla niyang sabihin
Kahit na nga ulan ay hinihintay ko
Baka alam niya kung ako'y mahal mo
Kung ako'y mahal mo maraming liligaya
Mga bituin at ang araw, ang buwan ay sisigla
Pagdating ng ulan at magkasama tayo babaha ng pag-ibig
Kung ako'y mahal mo
Pagdating ng gabi sisikat ang araw
Pagsapit ng umaga ang buwan ay lilitaw
Mag-uunahan sila na malaman ko
Kung ako'y talagang minamahal mo
Kung ako'y mahal mo maraming liligaya
Mga bituin at ang araw, ang buwan ay sisigla
Pagdating ng ulan at magkasama tayo babaha ng pag-ibig
Kung ako'y mahal mo
Kung ako'y mahal mo maraming liligaya
Mga bituin at ang araw, ang buwan ay sisigla
Pagdating ng ulan at magkasama tayo babaha ng pag-ibig
Kung ako'y mahal mo
Kung ako'y mahal mo
Written by: Edith Gallardo, Moy Ortiz