制作
出演艺人
Fred Panopio
表演者
作曲和作词
George Canseco
词曲作者
歌词
May dalaga nga akong nakilala
Sa ganda, siya'y halos walang makapara
Ang ilong at ang kutis
Ay wala ngang kawangis
Ang problema'y 'di niya 'ko inibig
O hindi, 'di na ako iibig pa
O hindi, hinding hindi na talaga
O hindi, 'di na ako iibig pa
O anong sakit ng mabasted pala
Mayroon naman akong nakilala
Umano siya'y hiwalay sa kanyang asawa
Ngunit nang kami'y magdate
Nang malaman ko'y too late
Kaming hari't reyna ay na-checkmate
O hindi, 'di na ako iibig pa
O hindi, hinding hindi na talaga
O hindi, 'di na ako iibig pa
O anong sakit ng mahuli pala
Mayroon namang isang dalagita
Na sa aki'y crush na crush na talaga
Nang kami ay mag stay-in
Pag-uwi namin man din
Nakahanda na ang shotgun wedding
O hindi, 'di na ako iibig pa
O hindi, hinding hindi na talaga
O hindi, 'di na ako iibig pa
O anong sakit ng masabit pala
O hindi, 'di na ako iibig pa
O hindi, hinding hindi na talaga
Written by: George Canseco

