制作
出演艺人
Nadine Lustre
表演者
Pio Balbuena
表演者
Shehyee
表演者
作曲和作词
Pio Balbuena
词曲作者
Christopher John Ongkiko
词曲作者
Johann Garcia
编曲
歌词
Indak, sumayaw, sumabay ka sa agos
Gumalaw na parang araw ay hindi natatapos
Lumabas sa kadena ng mga pagkakagapos
Abutin ang pangarap, isigaw hanggang sa mamaos
Ooh! Ilabas yung malupit
Na parang hanging dumarating at humahagupit
Igalaw ang katawan na para kang nangungulit
Kapag napagod, pahinga tapos sumayaw ka na ulit
Sa kaliwa o kanan o kahit saan
Sa kanya, ang mga garang nagagawan ng paraan
Taga-probinsya man, lahat kayang galawan
Kahit anong entablado kayang-kayang sayawan
Basta walang ayawan, lagi mong tatandaan
Nag-iisa lang ang puso na dapat pakinggan
Umindak, gumalaw, sige lang, sumayaw
Sabay-sabay na sumigaw, Luzon, Visayas, Mindanao
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay, 'wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
'Wag kang bibitaw
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Ikaw ay sumigaw
Nakakahiya, bakit siya sumasayaw diyan sa gitna
Tingnan niyo itsura mukhang loyal sa sayaw
Pero nung gumalaw, wow
Mga paa'y panay kaliwa
At marami pang ibang 'di magandang salita
Ang mababasa sa komento kesyo
"Ba't sumayaw sa gitna ng tren 'to"
"Walang kwenta" pero 'di nila alam ang kwento
Pauwi ako niyan sa'min
Maghapon naghanap ng trabaho
Kung saan-saan ako nanggaling
Bumabyahe nang mapalapit sa malayo
Kaso 'di ko naabot, sa video na 'yan ay malapit na'ko umiyak
Pero biglang may nagpatugtog ng awit
At ang sabi sa kabiguan ay huwag masindak
Kaya ayon, ako'y napaindak
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay, 'wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
'Wag kang bibitaw
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Ikaw ay sumigaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sa hamon ng buhay, 'wag kang bibitaw
Umindak, gumalaw at sumayaw
Sundin mo ang pusong sumisigaw
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
'Wag kang bibitaw
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Indak ooh-woah
Ikaw ay sumigaw
Written by: Christopher John Ongkiko, Pio Balbuena