音乐视频

音乐视频

制作

出演艺人
Ron Henley
Ron Henley
表演者
作曲和作词
Ron Henley
Ron Henley
词曲作者
Julius James De Belen
Julius James De Belen
作曲
制作和工程
Bojam
Bojam
制作人

歌词

Ooh, ooh (this is a FlipMusic exclusive)
Ooh, ooh
Ooh, ooh
Ooh, ooh
Nasa isang gilid, tahimik lang
Palihim lang kitang tinitingnan
'Di mo lang alam kung gaano kaganda
Ang tanawin mula sa aking kinatatayuan
Ngiti na 'singtamis ng pulot
Mga tingin mong nagdudulot ng isang matinding tagtuyot
Minsan, naisip ko kung puwede lang sumilip
O sumingit sa isang magandang panaginip mo
Napatingin bigla sa malayo
Nakita ka, sakay ng isang puting kabayo
Magkita na lang tayo do'n sa kabilang ibayo
Hihintayin kita, sabihin man nilang malabo
Para kang prinsesa kung ituring
Sa lalim ng ating pagtitinginan, sana 'wag mo 'kong lunurin
Gusto lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin
Kahit na ano'ng sabihin ng iba
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita, sinta
Basta't kahit na ano pa mang gawin nila
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita, sinta
Nabighani sa nag-iisang bituin sa kalawakan
Nais ko sanang abutin at mahawakan, sungkitin
Kaso nga lang, ang higpit ng pagkatali
'Pag nagbuhol, naku, yari ako sa mahal na hari
Ikaw ang araw sa buwan
Sa tuwing gabing wala ka, walang liwanag sa 'king daan
Pakiramdam ko palagi ay parang nasa ulap
'Pag magdamag tayong magkausap
Puwede patabi? Ang lamig kasi
Painitin natin ang gabi, parang bagong timplang kape
Kahit pa ga'no kadaming babaeng ipakilala sa 'kin
Ikaw pa rin ang aking hahanapin
Dahil ang puso mo ay mamahalin
Dapat na ingatan at hindi dapat basagin
Gusto lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin
Kahit na ano'ng sabihin ng iba
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita, sinta
Basta't kahit na ano pa mang gawin nila
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita, sinta
(Kahit na ano'ng sabihin ng iba, mahal pa rin kita)
Mmm, bango-bango mo talaga, 'lika nga dito
(Mahal pa rin kita, sinta)
Mmm, bagong ligo
(Basta't kahit na ano pa mang gawin nila)
Ron, gising! (Mahal pa rin kita)
Ba't mo 'ko ginigising, 'tol? (Hoy, gising, hoy!)
Ganda-ganda ng panaginip ko, pambihira
Sana may sumalo kapag nahulog ako
Sana 'wag mabagok ang ulo ko sa bato
Ngunit nangyari na, nagising sa katotohanan
Ayoko na ng laro, gusto ko na ng totohanan
Kung kumpiyansa ang usapan, ako'y mamumulubi
Sa tuwing titingnan kita, lagi mong nahuhuli
Nais lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin
Kahit na ano'ng sabihin ng iba
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita, sinta
Basta't kahit na ano pa mang gawin nila
Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita, sinta
Kung iguguhit ko lang ang pag-ibig namin
Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin
At napadpad sa isang daanan hanggang sa matapakan
Ng dalawang naghahabulang magkasintahan
Iguguhit ko lang ang pag-ibig namin
Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin
At napadpad sa isang daanan hanggang sa matapakan
Ng dalawang naghahabulang magkasintahan, kasi
(Kahit na ano'ng sabihin ng iba, mahal pa rin kita)
Nais lang naman kitang yakapin
Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin
(Basta't kahit na ano pa mang gawin nila, mahal pa rin kita)

Written by: Julius James De Belen, Ron Joseph Henley
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...