制作

出演艺人
Silent Sanctuary
Silent Sanctuary
表演者
作曲和作词
Chino David
Chino David
词曲作者
Sarkie Sarangay
Sarkie Sarangay
词曲作者

歌词

Malamig na ang gabi
Pwede bang ika'y makatabi?
Liwanag mo pa lang
Mainit na kahit ang buwan
Sa ilalim ng dilim
Ginagabay ako dahil ayokong maligaw
Sa malawak na mundo
Ikaw ang tala ko
Ngayon ka lang ba nand'yan?
Tuwing pasko ka lang ba makakamtan?
Parol ka ng buhay ko magpakailanman
Sana'y 'wag nang maglaho
Ang liwanag na nagbago
Sa buhay kong madilim
Sa puso kong walang kapiling
Sana'y 'wag nang magbago
Ang pag-ibig na iyong tinago
Pwede namang buong taon
Nakasabit ka sa puso ko
Kahit sa'n ako tumingin
Ikaw ang laging alaala
Kahit na ano'ng gawin
Tuwing pasko, ika'y laging kasama
Ngayon ka lang ba nand'yan?
Tuwing pasko ka lang ba makakamtan?
Parol ka ng buhay ko magpakailanman
Sana'y 'wag nang maglaho
Ang liwanag na nagbago
Sa buhay kong madilim
Sa puso kong walang kapiling
Sana'y wag nang magbago
Ang pag-ibig na iyong tinago
Pwede namang buong taon
Nakasabit ka sa puso ko
Written by: Chino David, Sarkie Sarangay
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...