歌词

Paano sasabihin sa iyo ang nagdaan?
Mga pag-ibig kong panandalian lamang
Yakap at halik, sa akin nakamtan
Bago pa kita minahal
Pag-ibig na walang dangal ang alay ko sa iyo
Paano kung malaman mo?
Paano kung malaman mo'ng naging kahapon ko?
Mahalin mo pa kaya ako?
Pag-ibig na walang dangal ang alay ko sa iyo
Matatanggap mo ba ako?
Matatanggap mo ba'ng lahat ng kasawian ko?
Ako kaya'y iiwanan mo?
Ibig kong ipagtapat lahat sa iyo, sinta
Ako'y nasaktan na, sa iba ay lumigaya
Sana'y malaman mo, ako'y nagbago na
Dahil sa mahal kita
Pag-ibig na walang dangal ang alay ko sa iyo
Paano kung malaman mo?
Paano kung malaman mo'ng naging kahapon ko?
Mahalin mo pa kaya ako?
Pag-ibig na walang dangal ang alay ko sa iyo
Matatanggap mo ba ako?
Matatanggap mo ba'ng lahat ng kasawian ko?
Ako kaya'y iiwanan mo?
Pag-ibig na walang dangal ang alay ko sa iyo
Paano kung malaman mo...
Written by: Angel Tiongson, Baby Gil, Carmencita Gil
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...