音乐视频

精选于

制作

出演艺人
Zia Quizon
Zia Quizon
表演者
作曲和作词
Aristotle C. Pollisco
Aristotle C. Pollisco
词曲作者

歌词

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon Ayoko nang maligo, tapos na ko kahapon Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon Palaging walang kibo, tahimik sa gabi Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli Anak bakit ka tulala? Lumalamig na ang kape Di ko alam ang gagawin, ayoko ng pumasok Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok? Merong mga nangyayari satin sa paaralan Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyonan Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam Ano'ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha? Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba Unipormeng maputi, papahiran ng dumi Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi Minsan ako'y napapa-isip, di ko maisang tabi Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan Nawa'y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan Ang ibinababa ang siyang tinataas Ang nagmamataas ang siyang nadudulas Ang ibinababa ang siyang tinataas Ang nagmamataas ang siyang nadudulas Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila Wag tayong maging manhid na katulad ng iba Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila Wag tayong maging manhid na katulad ng iba Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila Wag tayong maging manhid na katulad ng iba Tayo'y maging mapagmasid tulungan natin sila Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
Writer(s): Aristotle C. Pollisco Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out