歌词
'Di maisantabi, paikot-ikot lang sa kama't nakatitig
Sa telepono na dati-rati'y ngalan mo ang laging nananaig (nananaig)
Ilang minuto, oras, araw, buwan, taon pa ang hihintayin?
Hanap ko lang kahit minsan ako ay mapansin
Kahit alam ko nang 'di ka naman akin
Dahil kung wala naman, 'di, 'wag na lang
Ilang beses rin naman nang nasaktan
Kung ito na lang ang ating daraanan
'Di bale na lang, 'di bale na lang
Ayoko nang magmahal
Kamakailan lang, ako ang una mong takbuhan tuwing naiinip
Magkukuwento ng gusto't aking ihahatid para lang mapangiti
Ngunit kahapon, bawat pangungusap ay parang minadali
Tinuldukan ang usapan, lahat ay nawaglit
Ramdam ko nang 'di talaga akin
Dahil kung wala naman, 'di, 'wag na lang
Ilang beses rin naman nang nasaktan
Kung ito na lang ang ating daraanan
'Di bale na lang, 'di bale na lang
Ayoko nang magmahal
Walang patutunguhan kung umibig pang muli (ayoko nang magmahal)
Kung paulit-ulit lang babagsak sa poot at pighati (ayoko nang magmahal)
Ayoko nang magmahal (ayoko nang magmahal)
Ayoko nang magmahal
Dahil kung wala naman, 'di, 'wag na lang
Ilang beses rin naman nang nasaktan
Kung ito na lang ang ating daraanan
'Di bale na lang, 'di bale na lang
Dahil kung wala naman, 'di, 'wag na lang
Nakakapagod mag-isip ng paraan
Kung ang tanging kasagutan ay paalam
'Di bale na lang pala, maghihintay na lang
Written by: Rodolfo Guerrero
