旋律
歌曲有多麼清晰易記且符合明確音樂模式的旋律。通常,旋律分明的作品會擁有清晰易記的器樂或人聲主線。
原聲音質
此指標衡量一首歌曲在多大程度上依賴原聲樂器 (例如鋼琴、吉他、小提琴、鼓、薩克斯風),而非電子或數位合成音效
Valence
歌曲透過和聲與節奏所傳達的音樂積極性或情感基調。數值高通常對應快樂、興奮或愉悅感,數值低則與悲傷、憤怒或憂鬱相關。
節奏感
綜合了節拍穩定性、節奏型態與重拍強度等多重因素,以判定一首歌曲適合跳舞的程度。一首「節奏感強」的歌曲,通常具備穩定的速度、重複的音樂結構與明顯的強拍。
輕快
曲目的律動感可能受節奏快慢、音量起伏與聲譜密度所影響。較輕快的歌曲通常節奏強勁,編曲豐滿;反之,不太輕快的歌曲則可能編曲簡約、節奏較慢。
BPM90
歌詞
Animo'y palaging mayro'ng bitbit na lihim
Palaging tahimik, nakagitgit sa gilid
Kapag ganiyan, isa lang ang ibig sabihin
May mga titik na sinisiksik sa isip
Weirdo, bukambibig ng mga tao
Sa tuwing tinatagpi-tagpi ko ang mga tula ko
Kahit sabihin ng iba, mistula na 'kong gago
Importanteng utak ko nama'y palaging okupado
Mismo, tindig ang balahibo ng lahat
Pagbuklat nitong libro, biruin mo
Sa lawak ng bokabularyo, 'pag dinilat ang mga mata
Ako'y hilong-hilo at litong-lito
'Yung iba namang 'di ka maintindihan
Ay tatawagin kang sinto-sinto
Ayos lang dahil alam kong malaki ang kaibahan nu'n
Sa salitang istupido't hipokrito, oo
Ako ay weirdo, tanong mo pa sa kahit sino
Ako ay weirdo
Para bang may sariling mundo
'Di nagpapaapekto kahit kanino
Ako ay weirdo
Kahit ano pa'ng sabihin n'yo
Kung 'yan lang din ang pamantayan ng pagiging normal
Ay mas pipiliin ko na lang na maging weirdo
Walang kayang sumakay sa aking trip
Hindi makagalaw
Sobrang sikip ng lansangan na malimit kong nilalakaran
Nando'n 'yung mga taong palihim kang tinatawanan
Bulaan, 'di ako interesado
Kapag buhay lagi ng ibang tao laman ng usapan
Pagkatao ko'y mahirap daw maunawaan
Pagkatao n'yo naman ay napakadaling hulaan
Sa ilalim ng radar, umaandar
Ba't magpapabida pa?
Ekspektasyon ay nilampasan
Akala nila, sila ay namamalikmata
Kung minsan ay kailangan magtanga-tangahan
Para plano mo'y maisalba, at isa pa
Naniniwala na 'kong mas maigi nang manggulat
Kaysa sa mandismaya dahil
Ako ay weirdo, tanong mo pa sa kahit sino
Ako ay weirdo
Para bang may sariling mundo
'Di nagpapaapekto kahit kanino
Ako ay weirdo
Kahit ano pa'ng sabihin n'yo
Kung 'yan lang din ang pamantayan ng pagiging normal
Ay mas pipiliin ko na lang na maging weirdo
'Pag tulala at laging wala sa huwisyo
Kukutyain, tatawagin ka na weirdo
At kahit pa nasobrahan ka sa talino
Kukutyain, tatawagin ka na weirdo
Sa'n ba 'ko lulugar? Ayoko nang makipag-usap
Damdamin at hinaing, laging dinadaan sa sulat
Sa mundong tinambayan, walang araw, walang ulan
Pagkat wala 'kong panahon sa mga kabulastugan
Paborito kong gawin ay mag-obserba
Tinitingnan loob ng tao, parang nag-oopera
Naririnig na kuwento ay laging kapos sa lohika
Kaya minsan, pakikihalubilo, sobrang boring na
Hindi sa nambibitin
Pero kung 'di n'yo maintindihan ay huwag n'yo nang pilitin
Dahil kung inyong lilitisin
Kahit ang salitang weirdo ay mahirap ispelingin
Ako ay weirdo, tanong mo pa sa kahit sino
Ako ay weirdo
Para bang may sariling mundo
'Di nagpapaapekto kahit kanino
Ako ay weirdo
Kahit ano pa'ng sabihin n'yo
Kung 'yan lang din ang pamantayan ng pagiging normal
Ay mas pipiliin ko na lang na maging weirdo
Written by: Edrian Florentino


