歌詞
Bakit ba kay hirap tanggapin
Na ikaw ay 'di na magiging akin?
Sa lahat ng bagay sa mundong ito
Wala nang hihigit pa sa pag-ibig mo
Kung tunay nga't 'di lang panaginip
Ang aking nararamdaman ngayon
Hanggang kailan kaya magdurusa't
Malulumbay ako nang wala sa piling mo
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita nang higit sa buhay ko
Hindi na bale kung magwakas na
Ang buhay kong ito, ngunit sa puso ko, oh-oh
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho, oh, woah-oh-oh
Sadya ngang kay tamis ng 'yong halik
Araw-araw ako sa iyo'y nananabik
Sana'y makapiling ka kahit saglit
At mayakap ka nang kay higpit
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita nang higit sa buhay ko
Hindi na bale kung magwakas na
Ang buhay kong ito, ngunit sa puso ko, oh-oh
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho, oh
Woah-oh-oh, woah-oh, woah
Hindi na bale kung mawala ka
Basta't iniibig kita nang higit sa buhay ko
Hindi na bale kung magwakas na
Ang buhay kong ito, ngunit sa puso ko, oh-oh
Ikaw ay naroon at hindi maglalaho, oh, ooh-ooh-ooh
Written by: Jimmy Antiporda


