音樂影片

音樂影片

積分

演出藝人
PAPURI!
PAPURI!
演出者
Reuben Laurente
Reuben Laurente
演出者
詞曲
Rading Jumaquio
Rading Jumaquio
詞曲創作

歌詞

Mula ng makilala ka
Pag-ibig na ang aking nadarama
Gabi gabi na lang, ikaw ang aking naaalala
Maging sa pagtulog dalangin ko\'y ikaw pa rin
O Diyos loobin Mong kami\'y pag-isahin.
Wala ng makapipigil
Sa nais kong ika\'y makapiling
Hangad ko ay ikaw, layunin ng isip at damdamin
Maging sino ka man, mananatiling pagsinta ay tunay
Igagalang, iingatan habang nabubuhay.
Pangako ko sa iyo mamahalin kita
Maaasahan mo sa tuwi-tuwina
Pag-ibig ko\'y laan una sa Maykapal
Pangalawa\'y ikaw.
Ngayon na ang araw
Ating haharapin ang bukas
Tayo\'y magsasama ilang taon pa man ang lumipas
Tamis ng pagmamahal ay atin nang mararanasan
Sadyang sa Maykapal, aasang lubusan.
Pagibig ko sa iyo sadyang walang hanggan
Kahit nasan ka man, kahit kailan
Pag-ibig kong wagas, hindi magwawakas
At di rin kukupas.
Pag-ibig kong ito inaalay sa iyo
Maaasahan mong tapat ito
Iniibig kita tunay aking mahal
Magpakailan pa man.
...Pangako ko sa iyo.
Written by: Rading Jumaquio
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...