歌詞
Nalibot na ng daigdig
Ang araw sa maraming pagkakataon
Ngunit hindi parin madama
Ang init na pinaramdam noon
Nasalubong na, sanlibong pares ng mga mata
Ngunit kinang ng iyo'y hindi maikukumpara
Sinubukang buksan, lagusan tungo sa damdamin
At sayo lamang tibok nito'y muling tumulin
Nagugulumihanan
Ang pusong hindi alam ang patutunguhan
Kung ikaw naba ang siyang nakalaan
O isang magandang biro ng kalawakan
Ang mga tala sa kalangita'y
Nawawalan ng kinang
Sa twing ngiti mo ay nasisilayan
Ang boses mong pagkalambing
Humehele sa aking bawat daing
Tila'y isang misteryo
Hindi dapat gawing mundo ang isang tao
Ngunit paano pipigilan ang nadaramang ito
Kung ang mundo'y kasing ganda at payapa sa piling mo
Nagugulumihanan
Ang pusong hindi alam ang patutunguhan
Kung di ikaw ang siyang nakalaan
Hahamakin ang lahat, at di ka bibitawan
Kaya't maghihintay at aasa
Na sasang-ayon sa atin ang mga tala
Nagugulumihanan man ay wag mag alala
Sa piling mo'y natitiyak na
Mahal kita
Sa isanlibong pares ng mata
Sa iyo ko lamang nakita
Tunay na himala ng may likha
Sa piling mo'y natitiyak na
Written by: Apollo!, Patrick Paul Leonen