Paroles

Nakatulong ba no'ng lumayo ako? 'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto? Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon Lahat ng daan ay pabalik sa 'yo Balang araw ay makikita mong 'Di kailangan lumayo (kinailangang lumayo) Kung paglisan lang ang paraan Patawad, paalam kahit nasa'n ka man Nariyan pa ba ang pinangarap ko Na aking tinalikuran para mabuo? Bakit gano'n? Kahit sa'n lumingon Lahat ng daan ay pabalik sa 'yo Balang araw ay makikita mong 'Di kailangan lumayo (kinailangang lumayo) Kung paglisan lang ang paraan Patawad, paalam kahit nasa'n ka man Ooh, ooh, ooh Ooh, ooh Ooh, ooh, ooh Nahanap nga sarili mo, nawala naman ako Masisisi mo pa ba kung ako'y susuko na? Hindi mo man mapakinggan ang aking mga dahilan Maitatanggi mo bang mahal na mahal kita? Sa aking paglayag, tiyak, ika'y masasaktan Hangad ko'y maintindihan ('di maintindihan) Na sa tamang panahon, hinding-hindi na iiwan Kung 'yong pagbibigyan muli ('di kayang pagbigyan muli) Kahit anong gawin, 'di na mababalik ang dati Paalam, salamat Salamat sa lahat Balang araw ay makikita mo 'Di ka sana lumayo ('di na sana lumayo) Kung paglisan lang ang dahilan Sa ating hangganan, ikaw pa rin sana
Writer(s): Moira Dela Torre, Jason Marvin Hernandez, A. Guerrero Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out