Paroles

Pa'no bang mababawi Lahat ng mga nasabi? Hmm 'Di naman inakalang ika'y darating lang bigla Nang walang babala Sa isang iglap, nagbago'ng lahat Hindi ko na kaya pa na magpanggap Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw Ikaw ang kulay sa langit na bughaw Sa bawat bagyo na dumadayo Ikaw ang kanlungan na kailangan ko Kahit hindi mo alam Ilang beses mo akong niligtas Ikaw ang hantungan at aking wakas Pa'nong maniniwalang Ika'y nasa 'king harapan? Hmm 'Di naman naiplano, ako'y nabihag nang gan'to Totoo ba ito? Sa isang iglap, nagbago ako Hindi ko na kayang mawalay sa 'yo Ikaw ang kumpas 'pag naliligaw Ikaw ang kulay sa langit na bughaw Sa bawat bagyo na dumadayo Ikaw ang kanlungan na kailangan ko Kahit hindi mo alam Ilang beses mo akong niligtas Ikaw ang hantungan at aking wakas Ah-ah-ah Ah-ah-ah Ah-ah-ah Sana'y iyong matanggap Kung sino ako talaga Ikaw 'yung kumpas no'ng naliligaw Naging kulay ka sa langit na bughaw Sa bawat bagyo na dumayo Ikaw 'yung kanlungan na nahanap ko Kahit no'ng 'di ko alam Ilang beses mo akong niligtas Ikaw ang hantungan at aking wakas
Writer(s): Moira Dela Torre, Jason Hernandez, Prom Mach Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out