歌詞

Bagong araw, bagong puso Tanaw mo ba si Kupido? Parang kailan lang no'ng tayo'y Tinamaan ng pana nito Bakit pa kasi lumisan? Ano ang 'yong dahilan? Para ako'y iwanan at saktan aking damdamin Mga pangarap natin Naglaho na lang nang bigla mong sabihin "Hanggang dito na lang Pinapalaya na kita, paalam" Hindi ko matanggap Na kaya mo pala akong bitawan Pag-ibig ba'y biglang nawala? Sa akin ba'y bigla na lang nagsawa? Ngayo'y nag-iisa, hanap-hanap ka Sana'y 'di na lang lumisan pa Alaala'y pumaparito Sa'n man dalhin ng panahon (oh, Kupido) Pwedeng pakipana na 'ko? Pati puso n'yang naging bato Bakit pa kasi nang-iwan? Ako ay hinayaang malunod sa bawat luhang Ikaw lang ang dahilan at tagapagpatahan Nagbago na lang nang bigla mong sabihing "Hanggang dito na lang Pinapalaya na kita, paalam" Hindi ko matanggap Na kaya mo pala akong bitawan Pag-ibig ba'y biglang nawala? Sa akin ba'y bigla na lang nagsawa? Ngayo'y nag-iisa, hanap-hanap ka Sana'y 'di na lang lumisan pa Pag-ibig ba'y biglang nawala? Sa 'kin ba'y bigla na lang nagsawa? Ngayo'y nag-iisa, hanap-hanap ka Sana'y 'di na lang lumisan pa
Writer(s): Arthur Miguel Quimpo, Caine Aaron Balicas Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out