album cover
Sinungaling
34
Hip-Hop/Rap
Skladba Sinungaling vyšla 26. ledna 2018 Universal Music Philippines Inc. na albu Realistick
album cover
Datum vydání26. ledna 2018
ŠtítekUniversal Music Philippines Inc.
Melodičnost
Akustičnost
Valence
Tanečnost
Energie
BPM100

Kredity

PERFORMING ARTISTS
Stick Figgas
Stick Figgas
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Marlon "Loonie" Peroramas
Marlon "Loonie" Peroramas
Composer
Ron Henley
Ron Henley
Composer
Juan Carlos Sebastian
Juan Carlos Sebastian
Composer
Alexander Calinawan
Alexander Calinawan
Composer
Nicolas Cabardo
Nicolas Cabardo
Composer
Mark Vincent Brillantes
Mark Vincent Brillantes
Composer
Joseph Jabol
Joseph Jabol
Composer
Francisco Garcia
Francisco Garcia
Composer
PRODUCTION & ENGINEERING
Eric Perlas
Eric Perlas
Producer

Texty

[Verse 1]
Sinungaling ka, sinungaling ako
Sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo?
Sinungaling ang simbahan, sinungaling ang gobyerno
Sinungaling 'pag sinabing 'di to galing sa kwaderno
Sinungaling ang radyo, sinungaling ang dyaryo
Baradong inidoro, sinong galing sa banyo?
Mahirap malaman kung sino sa'tin ang tapat
Sapagkat para sa'kin, sinungaling ang lahat
Sinungaling 'yung nag presyo sa resto ng tapsi
Sinungaling ang tsuper, pati 'yung metro ng taxi
Sinungaling ang kasintahan, anak ng tinapa
Sabi niya, ikaw lamang at wala ng iba pa
Kasama niya 'yung sinungaling mong tunay na kaibigan
Nadadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan
Pa'no mong malalaman ako'y nanloloko lamang
Sinungaling ako at yun ang katotohanan
[Chorus]
Kahit na sarili ko 'di ko mapagkatiwalaan
'Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat, sino ang 'di totoo?
Sino, sino, sinungaling ako?
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sa'yo, ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sinungaling ka rin?
[Verse 2]
Meron akong kwento, isa daw siyang henyo
Kaya pala, kase mahilig siya mag imbento
Bawat may makilala may panget na komento
Pero 'pag kaharap, parang galing sa kumbento
Makamandag, kase dila ay may sa ahas
Dahilan para kagatin ni eba ang mansanas
Ngunit ako'y matalas, wala na siyang takas
Alam na namin na 'di siya lumalaban ng patas
[Verse 3]
Mag ingat ka na rin may balak siyang maitim
Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin
Iba't iba ang hugis at kulay
Sa pagsi sinungaling siya nabubuhay
Pagka kaibigan ang binayad, tapos ito ang sukli ko?
Dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo
Lumayo ka sa'kin, 'wag mo kong kausapin
Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling
[Chorus]
Kahit na sarili ko 'di ko mapagkatiwalaan
'Di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
Sino ang tapat, sino ang 'di totoo?
Sino, sino, sinungaling ako?
Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan
Makinig ka muna upang mapaliwanagan
Kung walang tapat sa'yo, ikaw ay aking tatapatin
Sino, sino, sinungaling ka rin?
[Verse 4]
Isipin mo na nasa gubat ka, ika'y giniginaw
'Di mo alam ang daan palabas, ika'y naliligaw
May dalawang daanan, kaliwa at kanan
Mayro'n dalawang nakabahag na nakaharang
'Yung isang daan papunta sa kabihasnan
'Yung isa naman papuntang kapahamakan
'Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
'Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin
'Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
Magkamukhang, magkamukha parehas pang nakahubad
Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
Para makalabas sa gubat at makapag pahinga
Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
Gusto mong matuklasan nasa papel ng CD 'yan
Pa'no mo malalaman na ako'y nanloloko lamang?
Sinungaling ako at yun ang katotohanan
Written by: Alexander Calinawan, Francisco Garcia, Joseph Jabol, Juan Carlos Sebastian, Mark Vincent Brillantes, Marlon "Loonie" Peroramas, Nicolas Cabardo, Ron Henley
instagramSharePathic_arrow_out􀆄 copy􀐅􀋲

Loading...