Texty

'Di na 'ko makapaghintay makatulog, managinip Hawak ang iyong kamay sa may sulok, sa may gilid Ang ibig kong sabihin ay 'di man kita maabot Pero 'pag ako ay nakahiga, tayo ay nagpapantay Mata sa mata, ilong sa ilong, bibig sa bibig, mga halik sa leeg Kasabay ng mga kanta na nakakakilig, ang sarap makinig Habang dumidila ka pababa ng dibdib, pababa sa lugar kung saan ay liblib Sa lakas ng huni ay sumasabay pati ang mga kuliglig Ako'y atat na atat na sapagkat nalulungkot ang inyong lingkod Sana magpakita ka na, 'pag 'di ka sumipot, naku po, hindot Alam mo bang kung ang laro ay taguan, ako ang laging taya? Hinahanap-hanap kita, 'di kita matagpuan, nasa'n ka kaya? Busog ang lahat ng buwaya kasi ika'y makalaglag-matsing Kaso matigas ang iyong leeg sa katulad ko, 'di ka namamansin Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, sa trike, sa bus at sa tren Kahit na buo ang binibigay mo, sana kahit papa'no, may sukli ka pa rin Mga kamay ko ay nalulumbay 'Di makapaghintay Mahawakan ang sa 'yo, whoa Mahawakan, mahawakan ang sa 'yo, whoa At ang labi ko ay nangungulila Sana nga ay madampian ng iyo Ng iyo, ng iyo Madampian ng iyo 'Di na 'ko makapaghintay makatulog, managinip Sakaling makaakbay sa may sulok, sa may gilid Walang mga matang nagbabantay Tara, humiga ka sa aking tabi nang tayo ay magpantay Nagbabasahan ang mga utak, tila nagpapasahan ng mga sulat Takpan man ng mga ulap, buo pa rin ang pangungusap ng mga matang nangungusap Sa init ng ating katawan, daig pa ang disyerto Ang malamig na silid at presko, panandalian naging impiyerno Kahit saan ang puwesto, tuloy pa rin ang kuwento Masigabong palakpakan pagkatapos ng konsiyerto Sago't gulaman, gin, pomelo, saging con yelo, isang modelo, isang kuneho Magkakaiba man, pero swak pareho Sa mundong 'to, terno tayo ng kulay, magkasalungat sa tunay na buhay Ikaw 'yung orig na nahalo sa ukay, ako 'yung prutas na naakit sa gulay Buti na lang, wala kang kasama, pagkakataon upang makilala Bago ko lang matuldukan, subukan nating simulan sa comma (comma, comma) Mga kamay ko ay nalulumbay 'Di makapaghintay Mahawakan ang sa 'yo, whoa Mahawakan, mahawakan ang sa 'yo, whoa At ang labi ko ay nangungulila Sana nga ay madampian ng iyo Ng iyo, ng iyo Madampian ng iyo Ako'y atat na atat na, ako'y atat na atat na Ako'y atat na atat na (madampian ng iyo) Ako'y atat na atat na, ako'y atat na atat na Ako'y atat na atat na (madampian ng iyo) 'Di na 'ko makapaghintay, malalim na ang gabi Makunat na ang tinapay, malamig na ang kape 'Di na mapakali, and'yan ka na ba? Dalian mo naman para mahaba ang oras nating dalawa May usapan tayo, alas-dose, 'wag kang makalimot Wala ka sa tulay ng San Juanico, 'wag kang magpakipot Punuan man ang puso mo, wala sanang magalit Handa akong sumabit, ayos lang kahit mangawit dahil Mga kamay ko ay nalulumbay 'Di makapaghintay Mahawakan ang sa 'yo, whoa Mahawakan, mahawakan ang sa 'yo, whoa At ang labi ko ay nangungulila Sana nga ay madampian ng iyo Ng iyo, ng iyo Madampian ng iyo 'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na) Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo) 'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na) Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo) 'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na) Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo) 'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na) Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo)
Writer(s): Ron Joseph A. Henley Lyrics powered by www.musixmatch.com
instagramSharePathic_arrow_out