Hudební video
Kredity
PERFORMING ARTISTS
Carlyn Ocampo
Performer
Joshua Feliciano
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Karlo Zabala
Songwriter
Texty
Alarm ng tanghali, ako ay nagising
Ang luha ko'y walang kasing lamig
Pangarap na nabitin, sa 'yo lang mararating
Kung 'di naman, ako'y mababaliw
Baka pwedeng ikalma ang isip (isip)
Nagwawala na 'tong damdamin
Ano'ng tsansa na ika'y makita?
50 seconds pa lang, pwede pang matulog muli
Sana pwedeng kilabi
Ibalik ang panaginip na hiling at minimithi
Parang ayoko nang gumising
Tara na't palaganapin ang oras (palaganapin na)
Sana pwedeng kilabi
Ibalik ang panaginip na hiling at minimithi
Paki-rewind naman muli
Panaginip ko nama'y ibalik
Ang tanging eksena, huminto nang sandali
Paligid ko'y biglang nagdilim
Ang diwa ko ay nasilaw nang bumungad ang araw
Pagdilat ko, hindi ka na natanaw
Kung ang ligaya'y 'di mo na makita
Kahit hanapin mo sa liwanag
Ipikit na lang ang mga mata
At tapos, itulog mo na, baka mapagbigyan muli
Sana pwedeng kilabi
Ibalik ang panaginip na hiling at minimithi
Ito ang hangad ko na mangyari
No'ng kahapon at ngayon, hanggang bukas (hanggang bukas)
Oh, sana pwedeng kilabi
Ibalik ang panaginip na hiling at minimithi
Pero bigla akong nagduda habang tayo'y magkasama
Ang anyo ng iyong mukha, unti-unting nawawala na
Saka ko lang naalala (na panaginip lang pala)
At bago tayo maantala (sasabihin ko na muna)
Na sana mabalik ang gan'tong ligalig
Ikaw ay makamit kung magkita muli
Whoa, baka sakaling 'to ay tunay
Malay mo, tayo pala'y tinadhana
At sana mabalik ang gan'tong ligalig
Ikaw ay makamit kung magkita muli
Sana maalala natin (umaasang magkikita)
Ikaw ay makamit (huwag ka nang mawawala)
Pag-ibig sa 'ting panaginip
Sa paggising natin maibalik
Writer(s): Karlo Zabala
Lyrics powered by www.musixmatch.com