Kredity

Texty

Verse 1:
Ang daming hipokrito nagkalat sa tabi,
Mahirap paniwalaan ang pinagsasabi,
Sobrang bait nyan kapag iyong katabi,
Pero pagtalikod mo naku yari ka na pre,
Kase sila yung tipo ng tao na walang ibang,
Iniisip kundi sarili, talagang hibang,
Gusto sila lage yung bituin na makinang,
Pwes tangina hindi nyo na ako malilinlang,
Ng inyong mga pekeng ngiti,
Kala mo tunay kausap pero pwedeng hindi,
Noon pa ako napipikon pesteng timpi,
Magtatanim ako ng galit, pwes pengeng binhi,
Pero wag na kase wala namang aanihin,
Basta ’ko paghihirapan ko ang aking kakainin,
Kung may atraso ka sakin, ito ang sasapitin,
Pero kung wala naman wag mo nang isipin,
Chorus:
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Daig si Poncio Pilato kung maghugas ng kamay,
Verse 2:
Hindi marunong tumanggap ng maling nagawa,
Magdedeny, magrarason, hmm puro ngawa,
Magtuturo ng iba para siya ay makawala,
Para sa ganun siya ang bidang bida sa madla,
Bistado na galawan, madami ng naiinis,
Ang boiling point ng ulo mo puta ang bilis,
Pasalamat ka meron pa ding nakakatiis,
Ng ugali mong basura na di mo winawalis,
Alam kong mabait ka naman pero minsan panggap lang,
Madami ang may ayaw sayo hindi mo pa rin ba yun ramdam,
Kung di mo alam, ano ba naman,pwes magpakumbaba ka nalang,
Kase wala namang mapapala ang mga taong mapanlamang,
Kaya bago ka pa maglaho, magbago ka na,
Tanggalin ugaling mabaho, magbago ka na,
Maging makikapwa tao, magbago ka na,
Kung tinamaan ka edi magbago ka na,
Chorus:
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Daig si Poncio Pilato kung maghugas ng kamay,
Chorus:
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Yah, Galing maghugas ng kamay, uh
Daig si Poncio Pilato kung maghugas ng kamay,
instagramSharePathic_arrow_out

Loading...