Kredity
PERFORMING ARTISTS
TopTrendzFileX
Performer
COMPOSITION & LYRICS
Jose Elixer Cuyos
Songwriter
Texty
[Intro]
[Synth]
[Verse 1:]
Lahat ng kamalian
Tila ba nagiging tama
Mabubuting asal
Unti-unting nawawala
Manhid na ba tayo?
At pikit mata na lang
Sa mga pang aabuso
At mga panlilinlang
[Rap]
[Pre-Chorus:]
Tanggap na ba ng tao
Mga tiwaling nakapwesto
Lasing na sa kapangyarihan
Mistulang may-ari ng bayan.
Ganito na ba tayo
Mananahimik na lang
Pakisagot lang po ang tanong
Kung normal na lang ba ito?
[Chorus:]
Normal na lang ba
May dik-a sa pamilya?
Normal na lang ba?
May flood control daw, pero wala naman.
Normal na lang ba?
Magwaldas ng pera ng bayan?
Saan ba tayo patungo?
Kung normal ang lahat ng ito.
[Rap]
[Verse 2: ]
Lumalaganap na naman
Mga krimen sa lansangan
Pamilya na nagmamahalan
Ay sa pulboron nasisira.
Anong naghihintay na bukas?
Sa mga bata na walang muwang
Ito ba ang mamanahin
Ang kawalan ng moralidad?
[Rap]
[Pre-Chorus: :]
Tanggap na ba ng tao
Mga tiwaling nakapwesto
Lasing na sa kapangyarihan
Mistulang may-ari ng bayan.
Ganito na ba tayo
Magwalang kibo na lang
Pakisagot lang po ang tanong
Kung normal na lang ba ito?
[Chorus:]
Normal na lang ba
May "birthday party with Duran Duran
(Hey! Hey!)
Normal na lang ba
Grabeng trapik at baha?
Normal na lang ba?
Ang kawalan ng hustisya
Saan ba tayo patungo
Kung normal na lang,
Ang lahat ng ito.
[Instrumental]
[Break]
[Rap]
[Bridge:]
Wag na wag masanay
Sa ganitong buhay
Na magiging normal
Mga maling ginagawa
Higpitan ang pananalig
Sa ating Diyos Ama
Gawin mo ang tama
Maging mabuti sa kapwa.
[Outro]
Normal na lang ba
Ang umasa sa ayuda?
Nasaan ang mga proyekto,
Bakit tila nawawala?
Saan tayo patungo
Kung tayo ay naniniwala
Sa mga matatamis na dila
Na may kasinungalingang dala
[Rap]
[Fade ;]
Kailanman di nagiging tama
Lahat ng maling ginagawa
Wag itanim sa aming isipan
Na normal ang lahat ng 'yan.
[Spoken]
[Shout]
[Pause]
Gilisod lisod ka apan wala ka nahadlok.
Nibarog ka ug nagpadayon sa serbisyong matuod.
Duyogan ka Inday sa mga pag-ampo.
Sa mga tawong nagsuporta,
Ug nagmahal kanimo. (We love you!)
Shukran! (Shukran)
Written by: Jose Elixer Cuyos